Chapter 9 : Goodbye raw...

223 7 0
                                    

AUTHOR'S POV

LANCE

"Seryoso ka? Di ka pa talaga nakakakain dito?" gulat na tanong sa kanya ni Beth.

"Oo nga, bakit ba? Kung maka-react ka naman diyan parang alien na ako." sagot niya rito.

"Lagi kasing maraming nakain dito sa Mang Inasal kaya hindi ako nakain dito."

"Ah... Oo nga naman." sabi nito na tumango-tango pa. "Kaya ba dito mo ako dinala dahil part ito ng oplan-takas-for-never-had-before-adventure mo?"

"My what?!" natatawang sabi niya.

"Wala! Nevermind." nakangusong sabi nito.

"Ang haba naman kasi nung inimbento mong tawag sa pagtakas ko. Hay, weird ka talaga." natatawa niyang sabi kay Beth.

"Weird ka diyan, he!" inis na sabi nito. "Tara na nga umorder na tayo."

At umorder na nga sila.

Tig-isa silang inasal na paa na parehong unli-rice. Yun nga kasi ang patok sa Mang Inasal.

"WOW! Unbelievable." Iyon na lang ang nasabi niya matapos tawagin ni Beth for the 2nd time ang waiter para sa ikatlong extra rice nito.

"Oh, bhakit ganhyan kah makatingin?" kunot-noong tanong sa kanya ni Beth habang panay ang nguya pa sa chicken at rice na sinubo nito. Whereas, siya, ngayon pa lang niya naubos ang unang rice na sinerve sa plato niya.

"Grabe, sabi ko na nga ba, weird ka." sabi nya

"Ano na naman ba?"

"Kakaiba ka talaga."

"Bakit? Dahil ngayon ka lang nakakita nang babaeng walang etiquette kung kumain?"

"Hindi... Ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng ganyan kalakas kumain at hindi nahihiyang kumain nang ganyan sa harap ko. kung baga, walang arte. Actually, I find it kinda cute..."

BETH

"Hindi... Ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng ganyan kalakas kumain at hindi nahihiyang kumain nang ganyan sa harap ko. kung baga, walang arte. Actually, I find it kinda cute..."

O/////////O

Totoo nga ba ang sinabi ni Lance?

Tama ba ang rinig niya? Yung last sentence, "he find it kinda cute, daw?" Another compliment na naman?

Natutuwang tanong ni Beth sa sarili.

"Nakakatuwa nga eh." sabi uli nito.

"Hay na 'ko, ikaw lang naman kasi itong lalaking maarte eh." sabi nya rito. "Ang bagal-bagal mo kumain. Tawagin mo na yung waiter. Humingi ka na ng extra rice."

"So ako talaga yung maarte?" taas-kilay nitong sabi sa kanya pero nakangiti.

"Oo! Nahihiya ka pang tawagin yung taga-scoop ng kanin eh. Tsaka yang manok, pwede mo naman yang kamayin e. Kanina ka pa mukhang hirap na hirap diyan!"

"Hindi ah! Eto na nga tatawagin ko na eh."

At tinawag na nga ni Lance yung waiter at humingi ng 2 pang scoop ng kanin. Kinamay na rin nito ang manok at binilisan na rin nitong kumain.

"Grabe! Im so full. I've never eaten that much rice at a cheap price my whole life." sabi ni Lance habang naglalakad na sila sa labas ng fastfood chain.

"Oo nga e. Ako rin, ang sakit na ng tiyan ko." sagot niya rito.

"O, paano ka nga pala? Hatid na kita." pag-aalok nito.

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon