Part 2.25 : The BFGF Denial Game

173 6 0
                                    

BETHANY'S POV

"Uy! Madam. Okay ka lang?"

"Ano?!"

"Hala. Mainit lang ang ulo? Haha. Dahil ba yan sa..."

"Ay nako Louie ah. Tigilan mo ko sa pangangantsyaw mo sakin sa unggoy na yon. Tara na nga, asan na ba yung make-up artist. Akala ko ba magsshoot na tayo? Hindi pa ba tayo bababa?"

"Ah kase madam-"

"Tara na kase-" I got out of the car but it was too late for me to realize how much of a big mistake I had done.

Marami palang press na naka-abang sakin sa labas at dinumog ako.

"Ms. Bethany, totoo po bang boyfriend nyo si Lance?"

"Ms. Bethany gaano na po kayo katagal?"

"Ms. Bethany ano pong feeling na kayo ang first girlfriend na inamin ni Lance sa public?"

"AY TEKA TEKA LANG PO. If you'll just excuse us, kailangan na pong mag-shoot ni Madam Bethany. Excuse lang po." Sabi ni Louie habang hinahawi nya ang mga taong nakaharang.

As we got inside the tent...

"Haayyy. Grabe. Ano ba yun?" pagod na pagod kong sabi

"Hay madam. Masanay ka na. Ikaw eh. Nagsyota ka ng gwapong sikat ayan tuloy. Haha!"

"Ano?! Sinong syota? Hindi ko nga boyfriend yung ugok na Lance na yon. Sya lang ang may pakulo ng issue na yun. Juice colored!"

"Ay ganun? Weh? Talaga ba?"

"Aish! oo nga. Kulit mo rin eh noh."

"Sorry na madam! Haha! Osha. Wag mo na i-kunot yang kilay mo na yan at nang ma-make up-an ka na."

"Eto na nga."

~

AFTER THE MAKE-UP SESSION...

"WHOAH MADAM. Wa talaga akech ma-say sa beauty mo. Always so GORGEOUS! BONGGA! Haha! Kaya naman nainlove si wafu devil prince sayo eh. Yieee!"

"Oy. Tumigil ka nga. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko nga 'yon boyfriend."

"Weh? Talaga lang?"

"Oo nga. Malamang nangttrip lang yung ungas na yon. Kung totoo yon. Eh nasaan sya ngayon, aber?"

"Weh? Talagang-talaga ba madam?"

"Talagang-talaga! Tara na nga."

Nauna si Louie para alalayan akong lumabas ng tent.

"Madam, sure ka? Nasaan ba kamo? Eh kung echos lang yung ginawa nyang pasabog kahapon, eh sino yun?"

He said as he pointed out a familiar black Mercedes benz behind the press people.

Nagulat nalang ako nang biglang bumaba ang isang maputing lalaking naka-shades at naka-wax pa ang buhok. He's wearing a black v-neck shirt, a knee-length shorts and a pair of black sneakers. He is also sipping on a starbucks frappucino, while holding a brown SB paper bag with his left hand.

"Wafu!!! Hahaha!"

The world seemed to stop sa pagbaba nya and as he slowly walked towards my direction, panandaliang nanahimik ang press people.

"Hey babe ;) One mocha frappe for you and also, one for Louie. " he said as he removed his shades and winked at me. He also handed me the brown SB paper bag he's holding.

Yung mga kaninang naka-ngangang mga press, tila nagising na at dinumog kaming dalawa. Ipit na ipit na ako.

At ang mas masaklap pa, napapa-akbay na sakin si Lance sa sobrang dikit namin gawa ng panunulak ng press.

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon