PROLOGUE

1.2K 26 2
                                    


"Ano ba pre. Di ka ba natingin sa dinadaanan mo?"

Pagtingin ko kung sino, tss.

Yung bandang bano na yon.

Magkakasama silang naglalakad. Tapos ang nakabangga ko pa, yung babaeng kasama nila kanina kung saan panay ang lingon at senyas nung Tyler ba yon na bokalista ata. Mukhang Pinay yung bababe dahil medyo morena.

Nakatulala lang sya. Mukhang gulat yung mukha.

"Are you okay B-"

"I'm fine Tyler." sabi nung babae sa lalaki.

"Well. Are you just gonna talk? Do you mind not getting into my way?" I told them

Then the girl turned to me. Tumaas yung kilay nya then she smirked.

Anong problema nya?

"Huh. Di ka parin nagbabago Lance. Hambog ka parin talaga."

What the f.

Anong sinasabi nya?

"What? Who the heck are you? I don't know you. So why are you talking like that."

"Hey-" akmang magsasalita ying Tyler para komprontahin ako. Pero pinigilan sya nung babae

"TJ." sabi nung babae tapos nagsalita ulit. She even crossed her arms.

"Ang bilis mo naman makalimot Lance... Well.. sabagay, gasino lang naman yung 3 days na pagkikita natin noon diba para maalala mo ko?"

"What the hell, miss. Sino ka ba? Ano bang sinasabi mo?"

Nakatulala lang yung banda samin. Yung Tyler masama ang tingin samin ng babae.

"Well.. alright. Sorry if I am being rude, so let's start over."

She offered her hand with a smirk on her lips.

"Hi Lance Mercado, nice to meet you. I'm Bethany Velasco."

I refused to take her hand. Bethany Velasco? Familiar. Pati yung mukha nya medyo familiar pero di ko maalala kung saan ko sya-

"I'm sorry miss but I don't-"

"Ay sorry, hindi pa nga pala yon ang pangalan kong alam mo nung nagkakilala tayo." sabi nya sabay binawi yung kamay nya para ilagay sa dibdib nya.

Then nilahad uli nya ying kamay nya

"Okay, ulit nalang... Hi LANCE...

... I'm Beth.. Or if you still don't remember, 'Ugly Beth-y' sounds more familiar, eh?"

WTF.

"B-Beth?"

"Yeah. Your crazy weird fan 6 years ago. Don't you remember me?"

I was stucked to where I was standing.

"Well. Mukhang kailangan mo munang alalahanin." sabi nya saka binawi yung kamay nya.

"We'll get going. Nice to see you again, LANCE."

Sabi nya saka nya hinatak yung Tyler. Sumunod nadin yung ibang kabanda nila.

Pakiramdam ko nililingon pa ko nung mga lalaki pero di ko sila nilingon...

Naiisip ko padin...

"Beth? And...her? Same person?

...You've gotta be kidding me..."

~~~~~

PROLOGUE

What would you do if you get the chance to personally meet and DATE your ultimate celebrity crush?

Syempre, sobrang saya..

Pero...

Paano kung lahat pala ng inaakala mong totoo nung magkasama kayo, 3 days lang pala ang expiration and in the end, he would turn out to be the person you hate the most?

Iiyak ka nalang ba?

O susumpain mo nang balang araw, ikaw naman ang sisira sa buhay niya?

Eh paano naman kung makakilala ka ng taong makakapag pabago ng buhay mo?

Yung bang, taong magpaparamdam sayo ng worth mo, at matututunan mo nading mahalin...

Then one day, all of your paths have crossed...

Sinong pipiliin mo?

Yung taong unang tinibok ng puso mo.. o.. yung taong nagpabago sayo?

-------------------------------------

Pasensya na po kayo, this is my first time to publish a story online, so medyo kinakabahan pa po ako. sa response ng readers..

Halos puro AUTHOR'S POV po sa umpisa. Parang formal novels pero sa una lang naman.

I hope I won't end up being disappointed. :)

------------



~ ALL RIGHTS RESERVED © ~

April 20,2016

fallen_victor


The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon