Chapter 6 : Dream Came True

238 8 1
                                    

Author's POV

"D-date?"

kabadong sabi ni Beth.

Totoo ba ang narinig niyang sabi ni Lance?.

Ito? Date?

She can feel goosebumps all over her skin and she feels like blood has been drawn out of her body.

"Uhmm...Beth, are you okay? Mukhang kinilabutan ka sa biro ko eh." nakangiti pero mukhang nag-aalalang sabi ni Lance.

Na-realize niyang mga ilang segundo siyang natigilan noong sinabi nito ang salitang 'date'.

Sakto... Valentine's day pa naman nga--

"B-biro?" sabi niya noong ma-absorb na niya sa isip niya ang huling sentence na binitiwan ni Lance.

"Oo. Joke lang yung date ah. Sorry wag ka magalit ah."

"Ah..ah. H-ha? O-oo naman. B-bakit naman ako magagalit? Tsaka, oo, okay lang ako.. O-oo nga." nauutal nyang sabi.

"Hay, mukhang hindi ka na okay. E, ang putla-putla mo kaya." nag-aalalang sabi nito sa kanya. Tumingin ito sa wristwatch na suot.

"Hala, 7:30 na pala. We should head home now."

"Oo nga, naku. Baka hinahanap na ako ni ninang Yda." sabi niya nang makitang gabi na nga.

"Alright then, let's get you home?" preskong sabi nito. Tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito?

"I-ihahatid mo 'ko?" takang-taka niyang sabi.

"Yup, bakit? Ayaw mo ba?" taning nito.

"H-hindi naman sa gano'n. Pero, don't you have anywhere else to go? Hindi ba hinahanap ka na rin sa inyo?"

"Don't worry about me. I'm a guy, remember?" he said sarcastically.

"Ikaw 'tong babae. Delikado na sa kalsada ang teenagers na babae ngayon." sabi nito.

Wow. Did she hear it right?

Ihahatid siya ni Lance?

Ng love of her life?

"P-pero..." sabi niya na medyo nag-aalangan.

"I insist, Beth. No more but's..." sabi nito. "Tara na." sabi nito at pumara na sila ng taxi.

--------

BETH

"Pwede namang mag-tricycle na lang ako papasok sa village namin. Mahal na ang taxi pag pumasok pa tayo sa loob. Dumiretso ka na lang pauwi mamaya. Ok na ako sa may gate." sabi niya kay Lance.

"Hindi nga Beth eh, ihahatid nga kita sa inyo. As in SA INYO. It means hanggang sa bahay niyo." seryosong sabi sa kanya ni Lance.

"Hindi ka ba natatakot sumakay sa tricycle nang ganitong oras? Gabing-gabi na, oh."

"Hindi ah. Bakit? Ano ba'ng akala mo sa 'kin? Duwag?" sabi niya. Umiling ito.

"Tsk, tsk, tsk. Beth, being coward is far too different from being careful." seryosong sabi nito.

"Lance, wag ka na kasing mag-isip nang ganyan. Sanay na 'ko sa ganyang set-up. Eh araw-araw kaya akong sumasakay sa tricycle kahit minsan mas late pa dito from school. Independent lang talaga akong pinalaki ng mommy ko." sabi niya.

"Ah, ganoon ba? Sige. Eh, natatakot lang kasi ako para sa 'yo." sabi nito.

"Looks like mali pala ang impression ko sa 'yo."

"Impression? Bakit? Ano bang impression mo sa 'kin?"

"Wala. Basta! I just realized, matapang ka pala."

"Tss! Mukha ba 'kong aanga-anga? Eh pano kaya tayo nakauwi kung wala akong alam?"

kunot-noo niyang sabi rito. Ngumiti lang si Lance.

"O siya, sige na. Dito na 'ko. Baboosh na." sabi niya nang matanaw na ang gate ng village nila.

"Para na po, kuya." sabi niya sa driver.

Bumaba na siya ng taxi at bumaba din si Lance.

"Saglit lang po manong ah." sabi nito sa taxi driver.

"O, ba't ka pa bumaba? Naka-metro ka, oh." sabi niya sabay turo sa metro ng taxi.

"Ok lang. Uhmm, Beth..." sabi nito

"Bakit?" nagtataka niyang sabi.

Para kasing may gusto itong sabihin sa kanyang 'di niya mawari.

'Oh my gosh?! Ano 'to?

Mag gu-goodbye kiss ba siya?'

Pag-iral na naman ng kanyang infatuatious mind.

'Ilusyunada ka namang bruha ka. First meeting pa lang eh. Nagpapaka-PBB Teens ka na?'

sabi naman ng kanyang subconscious mind.

Natigil ang mga kalokohan sa isip niya nang magsalita uli si Lance.

"I just want to thank you Beth." sabi nito.

She can feel her heart beating loudly in her chest.

"For... today... For tonight... For everything. I really had fun."

-sabi nito

"T-talaga? Nag-enjoy ka?"

"Oo naman... Ok ka naman pala kasama." he said with a sweet and sincere smile.

"I made the right choice of having you as my tour guide today."

"Wow naman. Talaga lang ha." sabi niya nang nakahalukipkip.

"Oo totoo 'yon. Nag-enjoy talaga 'ko. You were really an awesome chaperone."

"Chaperone talaga ah." natatawa niyang sabi. Natawa rin ito nang bahagya.

"Haha. Wala akong maisip na other term, eh." sabi nito. "Pero really, Beth... Salamat."

"Wala 'yon. Okay lang masaya rin naman." sagot niya.

"So paano? Bukas ulit?" tanong nito.

"H-ha? B-bukas?"

"Oo, so dadaanan na lang kita sa inyo.., 10am ha. Sige Beth. Bye." sabi nito at sumakay na uli sa taxi.

"S-sige." at iyon na lamang ang naisagot niya.

'Tama ba yung narinig ko?..






Ako, dadaanan niya na lang bukas?

May bukas pa?'

tanong niya sa sarili.

Napatili siya sa kinatatayuan sa sobrang excitement at tuwa. Mabuti na lang at walang nakakita sa kanya.

-------------


BETH

"Saan kaya kami pupunta?

Ano'ng isusuot ko?

Dapat mag-ayos ako nang maganda.

Bakit kaya isasama pa niya ako?"

-- Mga tanong iyan sa isipan niya. Hindi niya alam ngayon kung paano magre-react sa mga nangyayari sa kanya.

Noong una, badtrip siya kay Lance.

Then the next day, nagkita sila ni Lance.

After that, isinama siya nito bilang private tour guide, inihatid siya sa bahay, nagkasama sila ng 1 buong araw, bago ngayon, may bukas pa?

Magkakasama uli sila bukas? Panaginip ba ito? Haay, kung oo man, this probably what she calls a beautiful nightmare.

"Haay ewan... Bahala na nga." sabi niya sa sarili habang tinatapik-tapik ang mga pisngi niya.

Basta ngayon, ang problema niya ay kung paano siya makakatulog dahil panay si Lance at ang ala-ala ng araw niya kasama ito ngayong araw.

At ngayon, kailangan pa niyang mag-beauty rest dahil magkikita pa sila bukas...

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon