Part 2.15 : Lost and Trapped

188 8 0
                                    

BETHANY'S POV

I immediately went down to see if I can get a closer view of where Lance fell off.

Lance, nasaan ka na ba?

And luckily, after going down of approximately just 6 feet from were I used to stand earlier, I found him.

Whew.

Thank you po Lord at meron pang malapad na lupang sumalo sa kanya.

Buti hindi nagtuloy-tuloy ang bagsak nya sa ibaba.

Patagilid ang posisyon ng katawan nya at wala syang malay.

Agad ko syang nilapitan.

Naiiyak na ko. But I should not let my nervousness and fear overpower me...

Especially not this time...

Lance needs me now.

Thank God, meron pa syang pulse rate.

Tinapik tapik ko yung pisngi nya para malaman kung gising ba sya.

"Lance, please..." now I am really crying.

"Lance! Ano ba?!" Humahagulgol kong sabi habang tinatapik tapik ko sya para magising

I just found myself hugging him.

"Uh..." I heard him groan as I saw his eyes open slowly

"Lance! Thank God!" I said smilingly

"B-Beth? Ah! Aray!" sigaw niya as he held his right leg.

"A-anong masakit?!"

"Aray Beth! Aray...." He said cryingly.

"Sht. Mukhang nabalian ka ata pagbagsak mo." I told him.

"Y-yung... Yung braso ko... Hindi ko magalaw yung braso sa kanan."

"Kailangan nating mabendahan yan. Kaya mo bang tumayo?"

He nodded.

"Yung ulo mo, hindi ba nabagok even slightly?"

"H-hindi naman. Yung braso ko lang tsaka paa... M-Masakit."

I helped him get up. Kaso,

"Aray! Medyo makirot din yung paa ko. Na-sprain ata. Pero di naman gaano. I have the same kind of injury nung nagbasketball ako. Yung braso ko ang masakit."

Dahan-dahan kong inalis yung jacket nya at itinali sa braso nyang may bali.

"Teka. Kailangan nating humingi ng tulong." sabi ko sa kanya saka ko kinapa ang cellphone ko sa bulsa. " Sht. Nasaan na yon?"

I looked around and was shocked to see my phone near Lance. Sht. Nahulog din pala :( Sira na ang phone ko.

"Patay. Lowbat na rin yung cellphone ko. Tsk." sabi naman ni Lance.

And now the worst is yet to come...

"Oh no..." I sighed heavily as I heard a loud thunder crash.

And right then, bumuhos na nga ang malakas na ulan.

"Kailangan nating makahanap ng masisilungan." he said

Tinulungan ko syang tumayo at inalalayan ko sya maglakad on one foot.

Sobrang bigat nya dahil syempre, 6-footer kaya sya. Tapos ako, 5'5 lang. Pero ewan ko ba. Sinapian yata ako bigla ni incredible hulk para kayanin sya ng ganito.

Eto nga siguro yung epekto ng adrenaline rush na tinatawag.

Natagalan kami sa paghahanap. Mga 1 hour siguro bago nya nakita ang isang kweba.

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon