Chapter 3 : The Hurtful 1st Encounter

255 8 0
                                    

LANCE'S POV

Wait. Akala ko ba nagkaintindihan na kami na wala nang meet and greet. But what is she doing here? mukhang pulang-pula na sya sa sobrang tuwa. ugh. -_-"

"Laaance!!!!"

 A random girl went out to welcome me, screaming. Nang akma nang yayakap sya sa kin pero tinulak ko sya agad palayo.

"What the hell are you doing?! Get away from me! Bawal na nga sabi ang fans dito eh! ARGH! SAM!!"

"H-ha? Eh may passes naman ako eh, heto oh..."

Hinawi ko nang malakasang kamay nya at nahulog ang hawak niyang ticket.

"Ang kulit mo rin ano? Didn't you hear from my manager na hindi na iyan matutuloy?! Now, get out of here now!" I yelled in anger.

"P-pero Lance... Huwag naman please.. Ang tagal ko nang hinintay itong pagkakataong ito. Please kahit picture lang."

Pagmamaka-awa nya sabay abot sa kanya ng dala nyang camera.

"I said no!"

I shoved her hard. Nahulog ang hawak niyang digicam at napa-upo rin sya sa sahig dahil medyo napalakas ang pagtulak ko.

"GET OUT!" I told her. "SAM!!!"

Nagmamadali ring pumasok sa dressing room ko ang mga body guards ko.

"Get this stupid girl away from me. Alam niyo namang ang ayoko sa lahat ay mga stubborn stalkers na ayaw akong tigilan."

Namutla sya at mukhang mangiyak-ngiyak na. Dinampot sya ng mga body gurads ko at dinala na sa labas ng studio. Hanggang sa makalabas sya ng dressing room ko ay nakatingin pa rin sya sakin.

"Stupid fans! Stupid concert! Stupid life! Aaaarrrgh!"


~


BETH'S POV

"B-bakit siya gano'n? Akala ko pa naman mabait siya."

Naglalakad na ko ngayon papunta sa lugar kung saan sila magkikita ng mommy ko pagkatapos ng concert.

Hindi parin tumitigil yung pagtulo ng luha ko. Kainis.

"Ouch..."

Grabe ang sakit ng siko at likod ko. May pasa pa. Masakit rin ang balakang ko. Gawa siguro ito ng pagkaka-tama ko sa la mesa ng dressing room ni Lance at masamang pagkakaupo ko sa sahig nang itulak nya ako kanina.

"Wala siyang puso. Ang gwapo-gwapo nga niya pero napakasama naman pala ng ugali niya. I never should've let myself fall head over heels for him. Haay, ano ba ito! This is the worst day of my life!"

Nakakaasar talaga sya.

After a short walk, natanaw ko na si mommy at nakangiti na sya sakin. Sa ngiti sya, mukhang sobrang excited na sya sa mga kwento ko.

Kinawayan ko sya at nginitian as if walang nangyaring masama.

"So? Ano na?! Kwentuhan mo ako, anak. Ano, kamusta ang pagkikita niyo ni Lance?"

"H-hindi po natuloy yung backstage encounter eh."

"Ha?! Eh bakit naman?"

"Ewan ko rin po. Siguro po, dahil masyado nang late. Tsaka baka pagod na rin po si Lance."

"Ay, ganoon ba? Naku, sayang naman ang aga mo pa naman pumila..."

"Okay lang po iyon. Tara na po, uwi na po tayo."

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon