Part 2.13 : He Sees It

161 8 0
                                    

Part 2.13 : He Sees It

LANCE'S POV

Huh. Wala naman sana talaga akong balak umattend dito sa party ng Scarlet na yon.

Kahit pa para pang-front lang to sa mga tao dahil magkakaroon kami ng upcoming movie this year, di ako papansin na tao, showy at plastic para magpanggap ng emosyon ko.

What you see is what you get.

Kung hindi lang ako hinamon nung mayabang Tyler at bwisit na Bethany na yon, di naman talaga ako pupunta.

I put on a floral polo leaving all buttons open.

Syempre. Para makita ng Second Haven na yon na wala silang kayang ipagmalaki laban sa katawan ko.

Ako padin ang most popular, bestlooking and hottest bachelor in this country. Lalong-lalo na kumpara sa Tyler Evany na yon.

Psh.

Para makita ni Beth- I mean,well...ng lahat ng girls sa party kung gano ka olats yung Tyler na yon kumpara sakin.

Speaking of those two losers, asan na nga kaya si Ugly Bethy?

Tss. Pupunta kaya sya? Eh andito na yung Second Haven ah. Wala lang yung Tyler.

Baka naman feeling lang nung Beth na yon invited sya. Para model lang ng Secret Vanity, sikat na sya? Sus. Wala pa ngang kahit isang litrato nyang nalabas sa public eh.

Makapaglakad nga muna sa may beach side. Gusto kong suminghap ng sariwang hangin. Masyado nang maraming tao dito sa loob.

*Lakad...

Teka...

Si Ugly Bethy ba yun?

Tss. Ang sexy eh. Imposibleng sya yon.

Pero di ba ang sexy nya kanina nung nagtanggal sya ng --

"Sht. What's wrong with my eyes." I told myself as I take a sip of the vodka from the glass that I am currently holding.

Di ko sila masyadong tanaw at rinig dahil masyadong malakas yung tunog ng stereos at boombox mula sa party. Isa pa, malayo din ako mula sa kanila.

Pero wait...

Si Evany yun ah.

Papunta sya dun sa babae.

May dala syang isang pirasong bulaklak at inilagay sa tenga nung babae.

Ngumiti yung babae.

"Sht. Ang ganda nya." I thought

Then suddenly, he slowly moved closer her.

"Tss. Sabi na eh. May tinatagong kalokohan din tong ungas na to."

He was about to kiss her.

Pero yung babae parang tuod lang. Parang hinihintay lang nyang halikan sya nung Tyler.

"HEY GUYS! THERE YOU ARE!" Rinig kong sigaw ng isang lalaking palapit sa kanila. Pasigaw nya yong sinabi kaya narinig ko.

Halatang nagulat silang parehas at biglang naglayo.

Teka.

Kilala ko din yon. Myembro din yon ng Second Haven ah.

Di ko lang alam pangalan. Wala kong pakialam kasi. Basta yung Evany lang kilala ko.

Dali-dali namang tumakbo yung babae papasok sa party ni Scarlet.

And I just found myself doing the same thing, following her.

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon