Chapter 5 : Isaw Lang

306 10 0
                                    

~


LANCE'S POV

Nasa Quezon Memorial Circle ba kami ngayon? 

Well, ngayon lang ako nakarating dito kahit ilang metro lang ang layo nito sa recording studio namin.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Beth. Kaunti lang ang tao kaya yung cap  nalang ang suot ko.

"Eh, sabi mo 'di ba, ako na'ng bahala 'd iba?  sabi nya sakin nang diretso lang ang tingin nya sa dinaraaanan.

"Madalas ka ba rito?" I asked.

"H-ha? Ah, m-medyo... O-oo..." nahihiyang sabi nya.

"Bakit parang 'di ka sure? It's not so bad for a hang-out place."

"H-hindi naman. Oo, madalas ako dito. Ito na yung parang second home ko. Pag naglayas nga ako, pwede na akong dito tumira eh. Ka-tropa ko na nga yung mga tindera dito eh." 

Hindi ko napigilang tumawa nang malakas.

May sense of humor naman pala ito. Noong una kasi akala ko boring ito kasama kasi mukha syang seryoso at mataray.

But she proved me wrong.

"Hindi, joke lang 'yon. Madalas lang talaga ako rito every afternoon. Parang ngayon, mga 4pm ako napunta rito para hindi masyadong mainit. Kung minsan, after school, dito ako dumidiretso." tuloy-tuloy na kwento nya

"Sorry, ang daldal ko na yata." naiilang na sabi nya nang makitang natahimik ako.

Wala naman siyang nasabing masama.

Tumatak lang sa kin ang last sentence sa sinabi nya-- "after school raw".

I really wanted to know what it's like to be in school, for I never went to a regular school ever since. Home-schooled lang ako since pre-school.

I've always wanted to have my own desk, uniform, school service and most of all, my own classmates/set of friends. Sawa na ko nang naghihintay lang sa bahay sa teacher at iisa lang akong estudyante sa bahay namin.

~

BETH'S POV

"What's it like to be a student?" 

He asked me out of the blue.

"H-ha? Bakit?" 

I suddenly remembered na home-schooled nga pala sya. 

"Ah-eh, ayos lang." I simply replied.

"Ang saya siguro pumasok, um-attend ng flag ceremony, at makipag-kwentuhan sa barkada 'no?" nakangiting sabi nya habang diretso lang ang tingin sa daan.

I looked at his reaction.

Napansin kong parang medyo malungkot sya sa pagkakasabi noon. Then he turned to me,

"Ikaw, kwentuhan mo naman ako. Ano'ng ginagawa niyo ng barkada mo sa school?" 

"Ah-eh, kasi.. ano... Wala naman akong barkada." nahihiya kong sabi kay Lance.

"Eh... G-gano'n naman talaga pag sa sosyaling high school pumasok ang isang scholar na gaya ko eh.."

He just stared at me na parang may halong pagtataka sa mukha nya.

"What about friends? I'm sure you have friends," he asked again

"Ah.. m-meron naman... Hindi nga lang 'yong mga sobrang ka-close. Pero utang ko lang 'yong mga kaibigang iyon." 

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon