CHAPTER 3

912 35 10
                                    

BELLADONNA

Nagpunta kami ni Tiya sa Manila at ipinagdasal ko ng matindi na hindi ko makakasalubong o makita ang lalaking bumastos sa akin sa isang mamahaling bar na iyon.

"Iiwan muna kita dito, Bella. Mabilis lang ako at huwag na huwag kang aalis dito maliwanag ba?" sabi ni Tiya sa akin at tumango ako. Naupo ako sa isang tabi at nandito ako sa Luneta Park. May pupuntahan lang saglit si Tiya na malapit dito.

Pinanood ko ang mga taong nandito na namamasyal at mga batang nagkakatuwaan. Ang lugar na ito ay minsan na naging lugar at naging saksi ng karahasan at kamatayan. Hindi ko inaasahan na magiging pasyalan ang minsan na dumaan sa masalimuot na pangyayari.

Hindi ko napansin na may tumabi sa akin na tao at nung lingonin ko ito ay halos lumuwa ang mga mata ko. "A-ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya. May sinisipsip siyang inumin at nabasa kong fresh milk. Napaikot ako ng mga mata ko.

"You do not own this place so I can sit wherever I want-even in your lap," saad niya kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. "Kapag ginawa mo iyon sisipain kita," sabi ko sa kaniya at ibinaling sa ibang direksyon.

"Kung nandito ka para lang asarin ako o yayain ako sa isang gabi para saluhan ka sa kama mo, hindi ako interesado," deretso kong sabi at nakita ko ang pagawang ng bunganga niya.

"This-I don't even like you at all," pikon na sabi niya kaya napangiti ako ng malihim. Nagkibit-balikat lang ako. "Lumayas ka na lang sa harapan ko dahil naiiirita pa rin ako sayo," sabi ko sa kaniya at narinig ko ang mahinang tawa niya sa tabi ko.

Napakalalim iyon na tila nanggaling pa sa pinakailalim kaya't nanindig ang balahibo ko sa batok.

"Humans are really dramatic, in afterlife it is more dramatic," saad niya saka tinapakan ang karton na kaniyang iniinom kanina. "So if I were you be a good girl," sabi niya sa akin at tinapik ang balikat ko.

Tila napaso ako sa paghawak niya sa akin kahit na may damit naman na humihiwalay sa balat ko mula sa kaniya. "Mabuti akong tao," sabi ko sa kaniya at tumayo siya sa harapan ko.

"Of course in this lifetime," makahulugan na sabi niya na tila may ginawa akong mali sa nakaraan. Nagsimulang gumulo ang utak ko dahil sa kaniya. Sino ba siya sa inaakala niya ha?! Sa susunod na magkikita kami sasampalin ko na siya! "See you soon," saad niya sa akin.

Pinanood ko lamang siyang maglakad palayo sa akin habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay sa bulsa nito.

Nagngitngit ang kalooban ko na nadatnan ako ni Tiya.

"Masyado na ba akong natagalan para sayo kaya't ganiyan ang hitsura mo, Bella?" tanong niya sa akin. "Hindi naman po, Tiya. Nakausap mo na ba ang dapat mong kausapin, Tiya? Umuwi na po tayo," sabi ko sa kaniya at tumango siya sa akin. Tumingin ako sa sahig kung saan nandoon ang kalat niyang karton ng gatas.

Napakadugyot talaga ng talipandas na iyon! Hindi marunong maglinis ng kalat niya!

Kinuha ko ito at saka itinapon sa basurang nadaanan namin, mabuti na lang at hindi nagtanong si Tiya sa akin. Sumakay kami ng jeep papunta sa terminal ng mga bus na papunta sa probinsiya namin.

Tinitignan ako ni Tiya pero hindi na siya nagsalita. "Ano po pala ang napagusapan ninyo ng kaibigan mo, Tiya?" tanong ko sa kaniya habang umiinom ako ng buko juice na nabili ko sa halagang ten pesos at kumakain ng fishball.

Hinihintay pa namin na tawagin kami ng konduktor para umakyat sa bus na sasakyan namin pauwi.

"Mga bagay-bagay na kailangan sa panggagamot at syempre nagkumustahan pa kami," sabi niya sa akin at tumango ako. "Ah oo nga pala, Tiya. Bakit hindi mo ituro sa akin ang mga gawain mo sa panggagamot?" tanong ko sa kaniya.

Queen of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon