BELLADONNA
Nasa labas ako ng palasyo at abala sa paggagansilyo, gumagawa ako ng isang maliit na damit para sa aking anak. At mas lalo lang akong ginaganahan sa aking ginagawa dahil para lang din ito sa aming anak.
"Belladonna, uminom ka muna ng tubig," sabi ni Galina sa akin at saka niya inilapag sa may lamesa, umupo ito sa harapan ko. "Nasaan ang dalawa?" tanong ko sa kaniya at tinawag sina Astra at Salema.
Dumating naman ang dalawa na may dala-dalang basket na may lamang mga gulay at prutas, pinitas na naman nila sa hardin ni Ate Lavender.
"Kumusta ang reyna naming buntis?" tanong ni Salema sa akin kaya napangiti naman ako. "Ito inaalagaan ang bata sa loob ko," sagot ko naman.
Uminom muna ako ng tubig. "Mabuti naman at pinapayagan kayo nina Ate Lavender sa pamimitas?" tanong ko sa kanila. Nagpupunas sila ng kanilang pawis sa mukha.
"Mapagbigay ang mahal na reyna at saka nagtatanim kaya kami doon," sabi ni Astra. Tumango-tango naman ako.
"Dito na muna ako para may kasama ka," sabi ni Galina kaya ngumiti ako saka nagpasalamat sa kaniya. Umalis ang dalawa para pumasok na sa loob. Humihikab si Galina saka kumuha ng yarn at karayom.
"Gagawa ako ng headband para sa iyo," masayang sabi niya kaya tumango ako. Walang imik kaming naggagansilyo doon hanggang sa humahangos na dumating si Lucifer kasama ni Hades at Hecate.
Ano naman ang problema nila?
Pati si Galina ay nagulantang sa hitsura ng tatlo. "Nakakagulat naman po kayo," sabi niya saka inilapag sa lamesa ang hawak-hawak niya.
"Nasaan si Clotho?" tanong sa amin ni Hecate habang humihingal pa.
"Si Clotho? Sino iyon?" tanong ko sa kanila.
"I'll explain it to you later but we need to find her now," sabi ni Lucifer kaya kumurap-kurap naman ako. Lumapit si Lucifer sa akin at binigyan niya ako ng magaan na halik sa labi saka siya nagpaalam agad na aalis din sila.
"Anong trip nilang gawin? May kapangyarihan naman sila at nagpapagod pa?" nagtatakang tanong ni Galina habang nakatanaw sa mga tatlong itlog na tumatakbo palayo sa amin. "Nililimitahan sila sa paggamit sa kapangyarihan na meron sila Bella," sabi niya kaya kumunot ang noo ko.
"Bakit? Anong dahilan?" tanong ko sa kaniya.
"Ewan ko sa ba sa mga councils, maski si Zeus ay nilimitahan din sa paggamit ng kaniyang kapangyarihan kaya magkakagalit silang lahat ngayon," sabi ni Galina at bumuntong hininga na lamang siya.
"Alam mo, Lucifer! Sa totoo lang hindi ko naman problema ito eh pero dinadamay ninyo ako!" dinig kong maktol ni Hecate habang naglalakad sila papunta sa amin. Nakasunod naman sa likuran niya sina Hades at Lucifer na walang imik.
"But Achlys is included to your jurispundence, somehow, it is your fault that you let her used a darkest magic," pangongonsensya ni Lucifer dito at napaatras ako ng makita ko na ginulo ni Hecate ang buhok niya sa inis.
"Isa rin iyan! Magtutuos kaming dalawa kapag nakita ko siya," gigil na saad ni Hecate. Kaya ngayon ay malinaw na sa aking mga mata ang pagkakunot ng noo ni Hecate at ang masama nitong timpla.
"Ang asawa mo Hades, hindi ba magkaibigan ang dalawang iyon?" tanong bigla ni Hecate at tila nahimasmasan naman ang dalawa. "Don't tell me---hindi niyo naisip iyon?" maingat na tanong ni Hecate pero nahahalata mong nagpipigil siya ng inis.
Umiwas naman ng tingin ang dalawa kaya may pinulot si Hecate na isang maliit na bato at pagkahawak niya dito ay naging makapal na pamalo. "Tangina ninyo! Lumayas na kayong dalawa sa harapan ko kung hindi ihahambalos ko sa inyo ang mga ito!" galit na sabi ni Hecate at agad niya itong iwinuwestra na ihahampas sa kanila kaya kumaripas ng takbo ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Queen of Hell (COMPLETED)
RomantikQueen Series 4 Thousands of years have passed the throne for the Queen of Hell is empty. In this year, it will be filled. "Kneel and bow because my Queen is coming." - Lucifer, the King of Hell. Read at your own risk!