BELLADONNA
Bubuklatin ko na sana ang librong hawak ko ngunit pumasok naman bigla si Ate Lavender dala-dala ang aking anak na umiiyak na ng malakas.
Kaya binitawan ko ang libro saka sinalubong sila at agad kong kinuha ang bata.
"Anong gusto ng aking anak?" malambing kong tanong kay Lu at humikbi lamang siya.
Umupo ako sa isang upuan at agad siyang pinadede sa aking suso. Hindi ko na inalintana na meron sina Ate Brianna at Ate Lavender dito.
"Anong ginagawa niyong dalawa dito?" maang tanong ni Ate Lavender saka umupo sa tabi ni Ate Brianna.
"May nakita kasi akong libro na ang pamagat ay Achlys," sagot ni Ate Brianna.
"Paniguradong nakasulat na naman iyan sa letrang hindi natin mabasa," Ate Lavender.
"Bella, hindi ba masakit ang suso mo tuwing pinapadede mo ang anak mo?" tanong ni Ate Brianna sa akin.
"Masakit siya kapag nagtagal at saka masakit din ang likod ko. Pero wala akong magawa kundi indain ang lahat ng kirot para mabusog ko lang siya," sagot ko sa kanila at sabay pa silang tumango.
"Ay totoo iyan! Kaya kapag natatapos kong padedehin ang anak ko noon pinapahilot ko talaga kay Hades ang likod ko," sabi ni Ate Lavender.
"Sigurado ka? Hari ang pinagpamasahe mo," natatawang sabi ni Ate Brianna. "Saka wala sa hitsura ni Hades ang sumusunod sa utos," dagdag pa nito.
Sumimangot naman si Ate Lavender.
"Sa palasyo ako ang batas doon," taas-noong pahayag ni Ate Lavender.
"Bakit ikaw Brianna? Don't tell me under ka kay Zeus?" sabi ni Ate Lavender.
"Sa kama lang niya ako under kadalasan. Pero dito ako rin ang batas," sabi niya at sabay kaming napaikot ni Ate Lavender ng mga mata dahil sa tabas ng dila ni Ate Brianna.
"Ang laswa ng bunganga mo, Brianna pero I like that!" sabi ni Ate Lavender kaya nagtawanan kaming tatlo doon.
Nang matapos dumeded si Lu ay kinuha agad siya ni Ate Lavender at lumabas na rin. "Si Lavender, na-miss magbuhat ng baby," sabi ni Ate Brianna at nasa mata rin niya ang inggit dahil gusto niyang buhatin si Lu.
"Pwede mo naman buhatin ang anak ko, Ate," natatawang sabi ko at kumislap ang mga mata niya. "Talaga ba? Kaya mo ba na mag isa dito?" tanong niya sa akin at tumango naman ako sa kaniya.
"Aagawan ko si Lavender," sabi niya at lumabas na ng kwartong ito. Kung umasta sila ay tila mga hindi nagkaroon ng anak dahil sa kasabikan nila sa sanggol. Achlys
Achlys is a beautiful woman adorned by many men
She' s one of the goddess that interacts with humans, Achlys was trained by Hecate.
One time, Achlys went to mortal realm and stay there, she lived with humans without knowing that she's one of the goddesses.
Achlys fell in love with a man, she forgot who she is, she made herself live like humans.
With her relationship, they had a child but since it is forbidden for a human and a goddess to have a relationship.
She was force to leave her man for the sake of his life, she pretended to be died and buried.
A goddess that was adorned and worshipped is now forsaken.
But she did not mind them all because her child is the most important at that moment. The most valuable she ever have in her entire life.
BINABASA MO ANG
Queen of Hell (COMPLETED)
RomanceQueen Series 4 Thousands of years have passed the throne for the Queen of Hell is empty. In this year, it will be filled. "Kneel and bow because my Queen is coming." - Lucifer, the King of Hell. Read at your own risk!