BELLADONNA
Umalis na sina Zeus para pumunta ulit sa mundo ng mga mortal at hindi ko talaga maiwasan na hindi kabahan at matakot para sa kaligtasan nila.
"Sinusolusyonan na nila ang suliranin na ito," saad ni Ate Brianna sa mga opisyal na nasa harapan namin.
Bilang asawa nina Lucifer, Zeus, Poseidon at Hades ay kami ang humarap sa kanila dahil wala ang aming mga asawa na kasapi ng usapin na ito.
Mahinahon si Ate Brianna ngunit kitang-kita ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Ate Brianna sa papel na nasa kamay niya. Mabuti na lang nakababa ang kamay nito kaya't hindi kita ng mga kausap namin.
Kaya pala ayaw na ayaw ni Lucifer na makaharap ang mga ito. Napahilot naman ako sa sentido ko.
Napatigil kami nung tumayo ang isang lalaki na siya ang pinakamataas sa kanilang grupo na sumusunod sa ranggo nina Zeus.
"Umalis na tayo at hintayin na lang natin ang solusyon na sinasabi nila," saad niya na tila may halong pang aasar pa sa amin.
Sabay-sabay silang umalis, pagkaalis nila ay si Ate Brianna ay hinampas ng malakas ang lamesa.
"Putanginang panot na iyon! Kapag ba panot walang matinong sinasabi?!" galit na sabi ni Ate Brianna.
"Puro lamang silang salita ngunit wala namang ginagawa!" saad ni Ate Nathalia.
"Ipapakain ko ang sinasabi niya," banta ni Ate Brianna at huminga ng malalim.
"Brianna, huwag na huwag mong tatangkain ang pumunta sa mundo natin," sabi ni Ate Lavender dito kaya agad kaming naalerto.
"Hindi ko guguluhin ang plano at stratehiya nila, aalis lang ako para magpalamig at baka kami ang mag away ng panot na iyon," inis na sabi ni Ate Brianna kaya natawa kami sa kaniyang sinabi ngunit siya ay nanatiling nakasimangot.
Pagkatapos noon ay nagkahiwalay na kaming lahat at ako naman ay nagtungo sa kwarto namin kung saan nandoon ang aking anak na binabantayan ng isa sa mga nandidito.
"Mahal na reyna, napatulog ko na po ang munting prinsensa," sabi niya sa akin kaya nagpasalamat ako rito.
Pinagmasdan ko ang pagtulog ng aking anak habang lumalaki siya mas nagiging kamukha ng kaniyang ama.
Pinadaan ko ang hintuturo ko mula sa makapal nitong kilay papunta sa matangos na ilong nito at pinindot ang dulo ng ilong niya.
Napatawa naman ako ng mahina dahil sa tuwing nakikita ko si Lu, mas lalo kong minamahal si Lucifer at ang sarili ko rin.
"Mahal na mahal ka namin, anak," sabi ko sabay halik sa pisngi niyang matambok at naamoy ko ang napakabango niyang amoy.
Amoy gatas.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at tila naalimpungatan na lamang ako.
Nanlaki ang mga mata ko nung nasa ibang kwarto na ako at wala sa tabi ko ang aking anak. Bigla akong nakaramdam ng matinding takot at paninikip ng aking dibdib.
Nasaan ang anak ko?!
Nasaan ako?!
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nagtungo sa may pinto na gawa sa kahoy. Mabilis ko lang iyon nabuksan dahil gawa ito sa kahoy at tila nasa isa akong bahay kubo.
Pagkalabas ko ay sala ang tumambad sa akin at halos walang tao kaya naman sumigaw ako.
"May tao ba dito?! Nasaan ka!" sigaw ko sa buong bahay ngunit walang sumagot.
"Oh my gawd! Belladonna!"
"Belladonna!"
"Halika dito, Belladonna!"
BINABASA MO ANG
Queen of Hell (COMPLETED)
RomanceQueen Series 4 Thousands of years have passed the throne for the Queen of Hell is empty. In this year, it will be filled. "Kneel and bow because my Queen is coming." - Lucifer, the King of Hell. Read at your own risk!