Warning: SPG
BELLADONNA
Napatakip ako ng bunganga ko habang napapapikit dahil sa sensasyon na binibigay ni Lucifer sa akin ngayon habang patuloy siyang umuulos sa ibabaw ko.
"M-Malapit na ako..." sabi ko at binuksan ko ang aking mga mata sinalubong ito ng mga mata ni Lucifer na nagbabaga ng pagnanasa. "Oh shit! Just come, babe," sabi niya at napapaliyad ako. Hinalikan niya ang leeg ko.
"This feels so damn fucking nice!" saad niya at bumilis ang ritmo ng kaniyang katawan at sinasabayan ko na ito. Kahit nangangalay na ang aking mga hitang nakapulupot sa bewang nito ay nanatiling nakapulupot pa rin sa kaniya.
"I'm coming, babe, let's come together," sabi niya at napapikit ako ng maramdaman ko ang pagsabog niya sa aking loob. Napakainit at masarap sa pakiramdam.
Nanatiling ganoon ang aming posisyon hanggang sa lumipas ang ilang minuto at humupa na ang init sa aming mga katawan.
"I know you're tired, babe sleep tight," sabi niya sa akin at hinalikan ako sa aking mga labi. Tumabi siya sa akin at saka ako hinila paharap sa kaniya, yinakap ako ng mga braso niyang walang kasing init.
Init na nakakagaan sa pakiramdam. Ilang sandali pa ay dinalaw na ako ng antok dala na rin ng pagod.
Nagmulat ako ng mga mata at natagpuan kong nasa madilim akong lugar at ang tanging tanglaw ko lamang ay ang gasera sa aking kamay.
"Nasaan ako? May tao ba dito?" tanong ko at umaalingawngaw lamang ang boses ko. Nasa sarado akong lugar. Inilawan ko ang aking kinatatayuan at isa itong hagdan na sementong pababa. Pader ang magkabilaan ko kaya hindi ako mahuhulog sa kung saan man.
Dinadaga man ang dibdib ko pero nagpatuloy pa rin ako sa pagbaba ng hagdan. Hanggang sa maging huling baitang na lamang ito kaya napahinga ako ng malalim.
"Makakalabas din ako," determinado kong sabi. Pagkatapak ko sa sahig na may pulang carpet ay biglang bumukas ang ilaw at napanganga ako sa gulat.
Marangya ang mga ilaw at nakita ko ang dulo may isang pinto na kulay itim. Napangiti ako, ito na siguro ang daan palabas kaya mabilis akong naglakad papunta dito.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay kusa itong bumukas at tumambad sa mga mata ko ang isang kwarto na puno ng ginto at kumikinang na mga batong mamahalin.
"Dito ba nakatago ang kayamanan ni Lucifer?" tanong ko sa hangin kaya pumasok ako at hinaplos ang mga ginto at mga batong kumikinang dahil sa ilaw na tumatama sa kanila.
May isang pinto na naman na kulay itim kaya lumapit ako dito at tumambad sa akin ang isang kabaong na gawa sa mamahaling materyal at salamin kaya nakikita ko ang laman nito.
Isang kalansay.
Wala ni isang bulaklak at tanging ilaw lang sa gitna na nakatapat sa kabaong ang nandidito. Nakaramdam man ako ng takot ngunit mas nanaig ang kuryusidad ko sa nasa harapan ko ngayon.
"Sino ka?" tanong ko at lumapit dito.
"Ako si Lilith," sagot ng isang boses babae na hindi ko alam kung saan ito. "Nasaan ka?" tanong ko sa kaniya.
"Nasa paligid lang ako, Belladonna."
Napakunot ang noo ko dahil alam niya ang pangalan ko. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko ulit dito.
"Gaya ng sabi ko nasa paligid lamang ako kaya't alam ko kung ano nangyayari at sino ang mga bagong salta dito," sabi niya sa akin kaya huminga ako ng malalim.
BINABASA MO ANG
Queen of Hell (COMPLETED)
RomanceQueen Series 4 Thousands of years have passed the throne for the Queen of Hell is empty. In this year, it will be filled. "Kneel and bow because my Queen is coming." - Lucifer, the King of Hell. Read at your own risk!