CHAPTER 30

484 17 2
                                    

BELLADONNA

"We have the ace," pang uulit ni Lucifer sa amin.

Napalunok ako sa paraan ng pagkatitig niya sa akin at tila nahulaan na nila kung sino ang tinutukoy ni Lucifer.

"Are you stupid, Lucifer? You will serve your wife in a lion's den!" Poseidon.

Nakaalalay parin sa akin si Lucifer dahil ramdam ko pa rin na nanghihina ang katawan ko.

"Are you stupid, Poseidon? I am not going to let her fight against with Achlys alone, I'll be with her," Lucifer explained and Poseidon nodded.

"What's your plan then?"

Nakikinig lang ako at sumasang-ayon at minsan din ay sumasabat ako pero ang utak ko ay lumilipad dahil hindi ko akalain na siya ang Nanay ko.

Kaya pala hindi nakakapagtaka na kilala siya ng aking tiya kahit na sabihin na ilusyon lamang iyon.

"Stupid."

"Moron."

"What the fuck?"

Naalimpungatan ako sa mga pinagsasabi nila at tila mga bata na kung magturuan ang apat na mga lalaki.

"Ano ba iyan! Ayusin ninyo!" singhal ko sa kanila at agad na sinimangutan si Lucifer na siya na naman ang pasimuno.

"Babe, they are hard-headed. They are not listening well," sumbong niya sabay yakap sa bewang ko at kahit na iba ang anyo niya ngayon ay hindi pa rin maiiwasan ng puso ko na tumibok para sa kaniya.

"Mamaya na kayo magtitigan diyan kahit magdamagan pa kayo mamaya basta planuhin na natin ngayon," saad ni Hecate na bigla na lamang sumulpot sa kung saan.

Suot-suot niya lagi ang bestida niyang kulay itim. "Hello, Belladonna," masayang bati niya sa akin.

"Alam kong marami kang katanungan sa utak mo but set aside that first, we have to face the enemy here," sabi niya sa akin.

"Kamatayan lang ba ang dapat para matigil ang kasamaan ni Achlys?" tanong ko sa kaniya at maski natigil ang mga iba sa narinig nila mula sa akin.

"I bet you knew already that she's your mom, Belladonna. We said that death is the only way for her to stop this damn madness," saad niya at tumingin sa akin ng diretso sa mga mata.

"If you can tame her, we can send her to Tartarus and strip off all her abilities but if you can't tame her, then you have to kill her," sabi niya at binigyan niya pa ako ng pagpipilian.

Mahirap para sa akin ito—sinabi ko pa man din noon na kahit hindi mo kilala ang Nanay ko ay mahal na mahal ko siya at hindi iyon nagbago kahit na si Achlys pa ang Nanay ko.

Subalit ayoko naman ipahamak ang karamihan kung pipiliin ko ang maging makasarili.

Napakuyom ako sa aking mga kamao dahil nahihirapan akong magdesisyon. Hanggang sa tumulo na lamang ang luha ko.

"Hecate, stop making her doubt the decision," Lucifer.

"Lucifer, I am just being fair to your wife—after all, Achlys is her mother" Hecate.

"Don't fucking use that against her, Hecate," Lucifer.

"Nakapagdesisyon na ako kaya tumigil kayong dalawa diyan. Tapusin na natin ang lahat ng ito ngayon para makauwi na tayo," sabi ko at huminga ng malalim saka pinahupa ang naghuhurumintado kong kalooban.

"Belladonna—"

"Susundin ko ang plano at kung ano ang nararapat, Lucifer," sabi ko at pinunasan naman niya ang luhang tumulo na naman.

Queen of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon