BELLADONNA
Nag ayos ako ng aking sarili, isinuot ko ang pinakabago kong bestida na binili raw ni Lucifer para sa akin. Kulay itim ito na may disensyang pulang rosas. Mas pinili kong ilugay ang mahaba kong buhok at niligyan nila ng pulang rosas ang buhok ko bilang disenyo.
"Belladonna, are you done?" tanong ni Lucifer sa akin at sumilip siya sa may pinto ng aming kwarto. Tumango ako saka huminga ng malalim sa katunayan ay nanginginig ang aking mga tuhod sa kaba.
"You look beautiful," malanding sabi niya kaya sumeryoso ako ng tingin sa kaniya. "Hey, don't look at me like that I am admiring your beauty right now," sabi niya pero hindi ako naniwala.
Paano ako maniniwala sa isang babaero na katulad niya? Alam ko namang linyahan niya ang mga ganiyan para lang makuha ang katawan ng isang babae pero ibahin niya ako hindi pa kami kasal kaya hindi ko pinahihintulutan na galawin niya ako.
"I am not trying to get into your pants right now," sabi niya pero umiling lang ako. "Alalayan mo ako pababa," sabi ko sa kaniya at nagpakawala ito ng hangin. "Man, I was not born to be an assistant," bulong niya.
At nanatili akong bingi sa sinabi niya, nakasuot kasi ako ng sandal na may takong ito natatakot akong matapilok at mapahiya sa harapan nila. Ayoko namang isipin ng karamihan na ang magiging reyna ng palasyong ito ay lampa.
Habang pababa kami ay nararamdaman ko ang malakas na enerhiya na nagmumula sa aming panauhin sa ibaba. "Zeus is an asshole, he will try to intimidate you so don't be intimidated and I am just here," sabi niya sa akin at tumango naman ako.
"S-salamat," sabi ko sa kaniya. "Devils don't accept thank you," saad nito kaya napatingin ako sa kaniya. "Pinagsasabi mo diyan?" tanong ko sa kaniya at nagkibit-balikat lang siya. "I'll show you how to be thankful later," sabi niya at kumindat pa sa akin ang demonyong ito.
"Welcome to our humble abode!" sabi ni Lucifer at yumakap pa kay Zeus saka nakipagkamayan naman ito sa asawa ni Zeus.
Isang gwapong nilalang si Zeus na may magandang pangangatawan base sa hulma ng kaniyang mahabang polo na suot niya ngayon. Matangkad ito at may kulay brown na buhok.
Samantala naman ang kaniyang asawa na si Brianna, ay may magandang pangangatawan din na kung hindi lang nagkwento si Lucifer tungkol sa kanila ay maniniwala akong wala pa siyang anak. Maputi ito na nababagay sa kulay itim niyang buhok na hanggang balikat lamang.
"Is this your woman?" tanong ni Zeus sabay turo pa sa akin kaya napalunok ako at yumuko para magbigay galang sa kanila. "She is," sagot ni Lucifer.
Nakatingin ng seryoso sa akin sina Zeus at Brianna. Tumitig din ako sa asawa niya at nanlaki ang mga mata ko nung mapagtanto ko kung sino siya.
"Ate Brianna?!" tanong ko sa kaniya.
"Belladonna?!" tanong din niya at hindi na niya inalintana kung sino siya dahil agad niya akong yinakap ng mahigpit ganon din ako sa kaniya.
"Do you know each other?" tanong ni Zeus sa asawa niya nung kumalas kaming dalawa sa pagkakayakap. "Oo, isa sila sa mga nakatira sa aming baryo doon nga lang sa paanan ng bundok," sabi ni Ate Brianna.
Tila nakahinga ako ng maluwang dahil nakahanap ako ng makakasama dito sa mundong ito, alam kong nakatira siya sa Mt. Olympus pero ang kaalamang may kakilala ako sa bagong mundo na hindi ko inaakala na meron pala at mas lalong hindi ako pamilyar.
"What? The family members that I created are fake," sabi ni Zeus at napahinga naman ng malalim ang asawa niya. "Pero hindi ang mga kapit-bahay," sabi ni Ate Brianna at ngumiti naman siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Queen of Hell (COMPLETED)
RomanceQueen Series 4 Thousands of years have passed the throne for the Queen of Hell is empty. In this year, it will be filled. "Kneel and bow because my Queen is coming." - Lucifer, the King of Hell. Read at your own risk!