CHAPTER 2

1K 40 15
                                    

BELLADONNA

"Huwag kang magpapalinlang sa kampon ng kadiliman, Bella," iyon na lamang ang sinabi ni Tiya sa akin nung sabihin ko ang mga katagang sinabi ng tagasundo sa akin. "Dahil madumi sila kung maglaro," dagdag pa niya habang inaayos ang mga dahon na nagamit kahapon mula sa panggagamot.

"O sige, Tiya," saad ko at nagwalis ng mga nahulog na dahon sa labas ng aming bahay. Habang abala ako sa pagwawalis ay nakarating ako sa labas ng bakuran namin. "Magandang hapon, Bella!" bati sa akin ng isa sa mga kaibigan ko rito na si Fritzie.

"Magandang hapon din sayo," sabi ko sa kaniya at nagpaalam na aalis na siya dahil may trabaho pa siya. Hanggang sa maipon ko ang mga tuyong dahon ay sinunog ko ang mga ito.

Habang binabantayan ang mga dahon na hinihintay na matupok ng apoy ay may babaeng lumapit sa akin na nakasuot ng magandang puting bestida.

"Hello, Belladonna," bati niya sa akin kaya tumingin ako sa kaniya. "H-hello po," sabi ko sa kaniya.

"Gusto ko lang sabihin sayo na malapit mo nang makilala ang nakatakdang lalaki para sayo pero hindi mo kaagad makakamit ang kasiyahan at pagmamahal sa kaniya," sabi niya kaya napatitig ako sa kaniya.

Maganda siyang babae at nakalugay ang mahabang tuwid na buhok nito. Simple lang kung tutuusin ang suot niya pero marunong siyang magdala ng kagamitan.

"H-huh? Paano niyo po...nasabi?" inosente kong tanong sa kaniya. "Huwag ka rin magpapalinlang sa mga gagawin at sasabihin niya," babala nito sa akin at hinawakan ang kamay kong walang hawak na walis ting-ting.

"You are his belladonna," sabi niya sa akin sa salitang ingles at napatulala na lamang ako sa sinabi niya sa akin. Nakakaintindi ako ng mga salitang ingles ngunit nahihirapan akong gamitin ito kaya mas minabuti kong sariling wika na lang ang gagamitin ko.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya papalayo sa akin. Ano ang pinagsasabi niya? Nakakalito naman siya, sino ba kasi ang tinutukoy niyang lalaki?

Baka naman binubugaw niya ako? Ay ewan ko ba! Namatay na ang apoy nung umalis na ako para pumasok sa loob ng aming bahay at madilim na rin ang kalangitan na hudyat na gabi na.

Isasarado ko na sana ang aming gate na gawa sa kawayan nung pinigilan ito ng isang lalaking nakasuot ng itim na damit. "Hello, Belladonna," sabi niya kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Tapos na po ang oras ng trabaho," sabi ko sa kaniya. "You are beautiful destined to be the punisher's wife," sabi niya at ikinakunot ng noo ko. Magmula nung makita ko at makausap ko ang tagasundo ng mga taong mamatay ay naging ganito.

May mga taong sumusulpot na lamang bigla na parang kabute.

"I am Archiel, his best of friend," pakilala niya sa akin at inilahad ang kaniyang palad sa aking harapan. Ang tayog ng gate namin ay hanggang sa dibdib ko lang at siya ay mas matangkad pa kesa sa akin.

"Belladonna! Pumasok ka na dito!" galit na sigaw ng aking Tiya kaya sinunod ko na ito at hindi ko na nagawang magpaalam sa lalaking kausap ko dahi nakapameywang si Tiya at mukha siyang galit.

"Ikaw, Bella! Huwag na huwag kang makikipagusap sa mga taong hindi mo kakilala o taong nagpapakilala lang sayo, hindi ka na bata pero dahil ginagawa ko maaari kang mapahamak. Anong sasabihin ko sa nanay mo kapag nagkita kami sa kabilang buhay ha? Na napabayaan kita?" sabi ni Tiya sa akin habang nakanguso ako sa kaniyang harapan.

"P-pasensya na po, Tiya. Hindi na po mauulit at magtatanda na po ako," sabi ko sa kaniya at tumango-tango siya. "Siguraduhin mo lang, Bella," saad niya sa akin. Pagkatapos niya akong pagsabihan ay niyaya na niya akong kumain at ako na naghugas ng aming pinagkainan.

Queen of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon