BELLADONNA
Pagkatapos akong halikan ni Lucifer sa harapan ng mga dumalo sa aming kasal ay natulala ako panandalian kung hindi lang nagsalita si Ate Nathalia ay hindi pa ako mahihimasmasan.
"Ituloy niyo na iyan mamaya," may pang aasar sa tono ni Ate Nathalia niyang sabi sa amin kaya napaiwas ako ng mukha. Tumawa ng mahina si Lucifer at hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya, sabay kaming humarap sa lahat ng mga dumalo.
"Someone is going to be whipped like a pussy."
"Shut up, Dionysus. Once you find your wife, expect my laughter for you, asshole."
"Nasaan ba si Clotho at maisunod ang isang ito?"
"What the fuck! No! I am still enjoying my bachelor's life!"
Nagtawanan silang lahat at pati ako ay nakitawa na rin dahil halata sa mukha niyang ayaw pa niyang matali. "He is the God of Wine," bulong ni Lucifer sa akin kaya napalingon ako sa tinawag nilang Dionysus.
May itsura rin siya ngunit may balbas ito na kumokonekta sa kaniyang buhok at mahaba ang buhok niya na nakatali. Hindi rin siya papahuli sa gwapo ng mga iba niyang kamag anak.
"Stop staring at him," dinig kong saad ni Lucifer at nahihimigan ko ang inis doon kaya natawa ako ng mahina. "Wala akong gusto sa kaniya, kaya kumalma ka diyan," natatawang saad ko at nanahimik siya sa tabi ko.
"Oh what are we waiting for? Let's go to the dining hall!" imbita ni Dionysus kaya naghalak-hakan kaming lahat at siya pa ang nangungunang lumakad papunta doon. Pumasok kaming lahat sa isang malaking pintuan at nakita ko ang mahahabang lamesa na punong-puno ng mga pagkain at sa gilid ay may mga nakatayong mga babae para asikasuhin kaming lahat.
Inalalayan ako ni Lucifer sa pag upo sa pinakaharapan, may lamesang nakahiwalay mula sa mga bisita at nasa pinakaharap kaming nakapwesto.
"Lucifer! Can I borrow this woman?" tanong ni Dionysus at itinuro ang isang babae sa gilid. Hindi pa man nagsasalita si Lucifer ay agad na lumapit ang babae sa kaniya. "Hindi mo na kailangan pang magpaalam sa kaniya, handa akong samahan ka sa iyong gabi," malanding saad niya at kumindat pa kay Dionysus.
Napanganga ako sa inasta niya. "She's a woman from sex department that's why she's like that, she is born to pleasure men," sabi ni Lucifer sa akin kaya tumingin ako sa kaniya at pinagtaasan siya ng isang kilay.
"Belladonna, the women I fucked before are not here," saad niya at napalunok ako. "Bakit naman?" tanong ko sa kaniya at tumingin siya sa akin na tila bang boring ang sinabi ko sa kaniya.
"Seriously? It's our wedding, you are my wife and besides I don't allow enter this palace of the women I had sex with, you deserve a respect as my wife and a woman," sabi niya sa akin kaya napalunok ako at tumitig na lang sa kaniya para tignan kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi dahil hindi ko makakalimutan kung sino siya o ano siya. Ang kagaya nila ay mapanlinlang.
Bumalik ang tingin niya sa aming mga bisita na nagkakasiyahan na ngayon dahil sa handa namin. "Mabuti na lang at mabilis trumabaho ang mga nandito," sambit ko.
"Yeah," sang-ayon ni Lucifer.
"Belladonna, this is not supposed to be our wedding I mean I must have given you a grand wedding if we planned it well," sabi niya sa akin at tumusok muna ako ng isang piraso ng karne saka nginuya ito. Ang sarap ng pagkakaluto naman nito.
"Gaya ng sabi ko hindi mahalaga sa akin kung hindi marangya ang kasal na ibibigay mo sa akin, ang importante ay ang maikasal tayong dalawa. Ako na mismo ang nagsabi sa iyo diba? Kaya ano ang ipinuputok ng butsi mo diyan?" tanong ko sa kaniya kaya napakamot siya sa batok niya saka huminga ng malalim. "Yeah, yeah but—"
BINABASA MO ANG
Queen of Hell (COMPLETED)
RomanceQueen Series 4 Thousands of years have passed the throne for the Queen of Hell is empty. In this year, it will be filled. "Kneel and bow because my Queen is coming." - Lucifer, the King of Hell. Read at your own risk!