CHAPTER 13

719 36 1
                                    

Warning: SPG

BELLADONNA

"Who's this girl?" tanong ni Lucifer na may nakalolokong ngisi at pinasadahan ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa, sabay arko ng isang kilay niya na nagmumukhang mataray na matandang babae.

"Lucifer, she's Clytie," sagot ni Ate Lavender. "I know I am just joking," saad ni Lucifer. Nandito siya kasama ni Hades na nakahalukipkip at tahimik sa tabi nito. "You got her pregnant," saad ni Hades.

Natahimik kaming lahat at ako naman ay napatulala.

"W-What the fuck are you saying?! You asshole!" sigaw ni Lucifer at hinampas si Hades na tumatawa na. Sinuway naman ni Ate Lavender ang asawa niya. "Tumigil ka, Hades," mariin na sabi ni Ate sa asawa niyang tarantado.

Lumapit si Lucifer sa akin at hinawakan ang magkabilaang balikat ko. "Listen very well, my Bella. I don't know her and that asshole, he is joking. I don't have any child with any woman, I only plan to have kids with my wife," sabi niya sa akin at napatingin naman ako sa kaniya. Biglang hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at bumilis ang takbo ng puso ko.

"Hades, hindi maganda ang biro mo ha. Don't joke around like that," suway ni Ate Lavender sa asawa niya.

"Hades, hindi ko type ang demonyong iyan," sabi naman ni Clytie at ngumiti siya sa akin pero nakikita ko sa mga mata niya na malungkot siya. "I am not pregnant yet but probably not with your husband," sabi niya at tumango naman ako.

"Hey, speak up."

"This is miracle. I never heard that tune of voice, Lucifer. A nervous voice of ever confident Lucifer?" tanong ni Hades na tinapunan naman ni Lucifer ng masamang tingin ang kanina pang nang aalaska. "Shut up."

"A-Ano naman ang sasabihin ko?" iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Napatanga naman si Lucifer sa akin at si Ate Lavender naman ay humagalpak na sa tawa. "Todo nerbyos si Lucifer," sabi niya habang natatawa siya.

Natawa naman ako at tumikhim. "Pinaniwalaan ko ang sinabi mong hinding-hindi mo ako pagtataksilan," sabi ko sa kaniya at nakita ko ang kalma sa kaniyang mga mata, umayos na rin ang paghinga niya.

"Why are you here, Clytie? Are you tired watching and chasing the God of Sun?" tanong ni Lucifer dito kaya napatingin ako sa kaniya at pabalik kay Clytie na nakayuko na habang nilalaro ang mga daliri niya.

"Oo," mahinang sabi ni Clytie at naguguluhan naman ako doon kaya tumingin ako kay Lucifer, kumindat lang sa akin ang kumag. Lumapit siya sa akin at inilapit ang bibig niya sa tenga ko na akmang bubulong. "I will tell you a story later," sabi niya at nanindig ang balahibo ko nung hinalikan niya pa ang tenga ko bago siya humiwalay sa akin.

"Ano ba!" Humalakhak lang siya kaya napatingin sa kaniya sina Ate Lavender. "Mamaya na kayo maglambingan diyan," sabi ni Ate Lavender kaya tumikhim ako saka sumeryoso. Bumalik ang tingin ko kay Clytie na nakatingin sa akin at nakangiti konti.

"Ang ganda mo bakit mo pinatulan ito?" tanong niya sa akin sabay turo kay Lucifer kaya tumawa ako pero inakbayan ko si Lucifer. "Ganoon talaga," sabi ko at ngumiti naman siya na tila kinikilig. "Imbes na sa palasyo ako ni Hecate, dito na lang pala ako!" sabi ni Clytie kaya ngumiti ako ng malawak.

Para may kasama naman kami at hindi kami tatatlo lang.

"Why are you here?" seryosong tanong ni Lucifer. Humugot ng malalim na hininga si Clytie. "Gusto ko lang magpahinga at nauumay ako sa pagmumukha ni Apollo," sabi niya pero umarko lang ang kilay ni Lucifer. Halatang may iniiwasan si Clytie na paksa at ito namang asawa ko ay parang tinutudyo pa si Clytie.

"Lucifer," babala ko sa mababang boses sabay higpit sa pagkakahawak sa balikat niya kaya napatingin siya sa akin. Ilang hibla lang ang pagitan ng mga mukha namin pero tumitig lang ako sa mga mata niyang nakatingin lang sa akin.

Queen of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon