BELLADONNA
Naka-tayo ako sa isang waiting shed habang hinihintay ang aking sundo. Malakas ang buhos ng ulan at mabuti na lang ay nakauwi na rin ako kagaad pagkatapos kong lumabas sa hospital. Hindi ko na sasabihin kina tiya ang nangyari sa akin sa Manila.
Tumawag sina Tiya kanina sa aking lumang cellphone. Kumikidlat na may kasamang pagkulog pa ang kalangitan. Kilala ko ang mga tumulong sa akin, hindi sila mababang uri ng mga nilalang. Ilang minuto pa ako naghintay sa waiting shed ay dumating na iyong sundo ko.
"Bakit ka ngayon lang dumating, Bella?" tanong ni Tiya Anna sa akin at tumungo na lang ako saka pumasok sa loob ng isang lumang tricycle na pagmamay-ari ng namayapang asawa ni Tiya. "Muntikan na po akong nawala sa lungsod ng Maynila." saad ko sa kaniya at tumango naman siya.
Hindi ko na sasabihin kung ano ang nangyari sa akin doon dahil ayoko na siyang magalala pa. Ang aming lahi ay nagmula sa sinaunang manghuhula at si Tiya ay may alam sa pangungulam pero hindi niya ito ginagamit dahil ang huling gamit ito laban sa kaniyang karibal ay naging kapalit ng buhay ng kaniyang pinakamamahal na asawa at panggagamot. Namumuhay kami ng maayos dahil sa mga lumalapit sa amin na mga tao.
Dahil hindi lang naman tayong mga tao ang nabubuhay dito sa mundong ibabaw meron din mga nilalang na hindi natin nakikita pero nakikisalamuha sila, tanging mga taong nabiyayaan lamang ng isang kakayahan ang makakakita sa kanila gaya namin.
Ang aming tirahan ay malayo sa kabihasnan at nasa baryo kami. Hindi pa rin humihina ang buhos ng ulan kaya basang-basa kaming pareho ni Tiya dahil sinasalubong namin ito. Habang papasok kami sa arko na gawa sa kahoy ay may nakita akong isang babae na nakatayo lamang at nakasuot ng puting bestida na may bahid na dugo at puro putikan ang damit niya.
"Tiya---" saad ko pero sinita niya ako. "Hindi lahat ng pagkakataon ay kailangan mong tumulong, Bella dahil may sarili rin tayong buhay at hindi gaya niya ay wala na sa mundong ibabaw," sabi niya sa akin at ngumuso na lamang ako.
Laking gulat ko na lang nang ngumiti siya sa akin at kumaway pa kaya napaiwas ako ng tingin saka umayos ng upo at hindi ko na lamang tinignan pa. Hanggang sa marating namin ang aming bahay na gawa sa kahoy. Dahil basa na rin kaming pareho ni Tiya ay lumakad na lang kami na parang wala lang.
"Maligo ka na doon para makapagbihis ka at linisin mo itong halamang gamot na pinitas ko sa bundok kaninang umaga," sabi niya sa akin at tumango naman ako. Base sa kwento ni Tiya sa akin ang aking ina ay dating nagtratrabaho sa may club doon sa Pampanga bilang taga-aliw ng mga parokyano or kapwang pilipinong lalaki, nagmahal si Nanay sa isang lalaking banyaga at nagbuntis siya sa akin.
Nung nalaman ng lalaking iyon na nabuntis niya ang aking ina ay iniwan siya nito kaya sinarili ni Nanay ang pagdadalang-tao niya sa akin kasama si Tiya. Namatay sa panganganak ang aking Nanay dahil may sakit daw ito sa puso at nagkaroon ng kumplikasyon. Palaging binibilin ni Nanay kay Tiya ang aking pangalan na Belladonna dahil alam niyang lalaki raw akong magandang babae at hindi naman siya nagkakamali doon.
Maraming sumubok na lalaking ligawan ako at hindi lang tao kundi mga kapre, multo, dwende at engkanto pa pero hindi sila nagtagumpay dahil naniniwala akong mararamdaman ko kung sino ang lalaking nakalaan para sa akin.
Habang hinuhugasan ko ang dahon ay biglang lumitaw sa aking utak ang imahe ng gwapong lalaking iyon, nararamdaman kong isa siyang delikadong tao na hindi ko makita ang kabutihan sa kaniya tila siya ay nababalutan ng kadiliman. May hitsura siya at siya rin ang tipo ng taong hindi mo kailanman gugustuhing kilalanin.
Nagulat ako nung makita ko ang aking sarili mula sa tubig na nakangiti kaya nagsalubong ang aking kilay. Ano ang ibig sabihin nito? Umiling-iling ako para maalis sa aking utak ang kaisipang iyon. Ang lalaking iyon ay masyadong magaspang ang ugali! Wala man lang awa para sa ibang tao!
BINABASA MO ANG
Queen of Hell (COMPLETED)
RomanceQueen Series 4 Thousands of years have passed the throne for the Queen of Hell is empty. In this year, it will be filled. "Kneel and bow because my Queen is coming." - Lucifer, the King of Hell. Read at your own risk!