CHAPTER 25

521 17 1
                                    

BELLADONNA

Si Ate Lavender muna ang humawak kay Lu pansamantala dahil kinakausap ko ang mga nagbabantay dito sa palasyo pati ang mga kasambahay na kasama namin.

Habang sina Salema, Galina, at Astra ay kasama ni Hecate. May ginagawa silang ritwal sa isang kwarto dito.

"Maging mapagmatyag kayo sa kung sino man ang dumating at alam ko naman na hindi kayo matatamaan ng kahit na anong mahika ni Achlys," sabi ko sa kanila.

Tumango sila ng sabay-sabay at sumaludo sa akin.

"Maaasahan mo kami, mahal na reyna," sabi ng pinuno nila at tumango ako.

Nagkawatak-watak na sila dahil may pumunta sa itaas, likod at sa may harapan para magbantay sa buong palasyo.

Nagpadala rin kani-kanina lang si Lucifer ng karagdagan na magbabantay sa amin na mga sundalo niya.

"Ate, paano ang anak ninyong si Sophia sa mundo ng mga tao?" tanong ko sa kaniya.

Namutla naman siya at napalunok. "H-Hindi siya pababayaan ng mga taong inatasan ni Hades na magbantay sa kaniya," sabi niya na tila kinukumbinsi ang sarili niya.

Ilang sandali pa ang lumipas ay sabay-sabay na dumating sina Hades at Lucifer.

Si Lucifer ay nagmamadaling lumapit sa amin ni Lu at yinakap kaming dalawa. Naramdaman ko ang labi niya sa tuktok ng ulo ko.

"Goodness. Thankfully that you guys are safe," sabi niya at tumango naman ako sa kaniya.

"I don't know if I'll forgive myself once something happened to both of you," dagdag niya at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

"The plan is, all our wives and kids will stay in Mt. Olympus, that's a lot safer than anywhere," sabi ni Zeus sa amin.

Nilatag nila ang mga plano nila laban kay Achlys dahil may lihim pala siyang sundalo at ang mga iyon ay mga tinakas niya mula sa tartarus.

"Achlys must be punished severly. Not because she went against us, she also freed some prisoners and planning to create havoc in mortal realm," Zeus.

"She will pay for this," Poseidon.

"I will create a prison intended for her," Hades.

"I will not kill her though because she is immortal one instead I'll torture her using her weakspot," Lucifer.

Sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya. "You know something," Hades.

Huminga ng malalim si Lucifer.

"During my investigation, I found out something interesting about her. She became one of the highst priestess because she's an orphan, right?" tanong ni Lucifer at ni isa sa amin ay walang kakayahag sagutin iyon.

"Yes," isang tinig mula sa aming likuran ang pinaggalingan ng sagot.

Si Hecate.

"She came to me begging to be saved from her past, I don't know about it. She asked me using a black magic," sabi ni Hecate kaya napakunot ang noo ko.

"Kung ganoon, ano si Achlys dati?" tanong ko naman.

"She's one of the goddesses, Belladonna," sagot niya at napatango naman ako.

"Now, let's execute the plan," Hecate.

"Why are you rushing? Aren't you regretting now for placing her in a position?" tanong ni Lucifer dito at tamad lang na tumingin si Hecate sa kaniya.

"I am regretting for not knowing her too well, Lucifer. Saka ikaw din naman kung sino-sino lang kasing minahal mo," sabi niya dito kaya napaikot na lang ng mga mata si Lucifer.

Queen of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon