CHAPTER 18

596 27 1
                                    

BELLADONNA

"Belladonna, kumusta naman ang pagbubuntis mo?" tanong ni Ate Lavender sa akin. Ngayon lang siya ulit nakabisita dito dahil marami rin siyang inaasikaso sa kanilang palasyo at pamamasyal ang nasa huling listahan na gagawin niya.

"Maayos naman, Ate at saka nandiyan naman sila lagi para alalayan ako lalo na si Lucifer," sagot ko habang hinahaplos ang tiyan ko nasa ika-anim na buwan na ako ng aking pagbubuntis.

"Pagsapit ng ika-anim na buwan ng iyong anak ay papatayin ni Lucifer."

"Pagsapit ng ika-anim na buwan ng iyong anak ay papatayin ni Lucifer."

"Pagsapit ng ika-anim na buwan ng iyong anak ay papatayin ni Lucifer."

Napailing ako upang maalis ang mga salitang iyon sa utak ko na sinabi ni Lilith sa akin dati. Isa sa mga ipinagpapasalamat ko ay hindi na siya muli nagparamdam kaya naging panatag ako pero hindi ako mapapanatag hangga't hindi siya nakalagay sa Tartarus.

Iyan din ang pinagplaplanuhan nina Lucifer kung paano nila gagawin iyon gayong malakas ang mahikang ipinataw nila para kahit kailan ay mananatili lamang doon si Lilith.

"Mabuti naman kung ganoon, pasensya ka na kung ngayon lang ako ulit nakadalaw. Lumalaki na rin kasi ang mga bata at nangangailangan na sila ng matinding atensyon," sabi ni Ate Lavender kaya napangiti naman ako at natawa ng mahina.

Nakikita ko na sumasakit ang ulo niya kakasuway sa mga bata, natural lang sa mga bata na maging makulit.

"Huwag mo akong tawanan, Belladonna. Nako, paglumaki rin iyang anak ninyo dadanasin niyo rin ang pinagdadaanan namin ngayon," sabi niya kaya mas lalo lang akong natawa.

"Oo, Ate pero malayo pa," sabi ko kaya ngumuso siya. "Oh siya nga pala, may chismis akong hatid sa iyo," sabi niya sa akin kaya sumeryoso na ako.

"Hinahanap nila ang babaeng muntik nang mapatay ni Lilith dati dahil siya lang ang makakasira sa mahikang ipinataw nila at mailipat ang bangkay ni Lilith," sabi niya sa akin.

"Pero matanong lang bakit muntikan na mapatay ni Lilith ang babaeng iyon?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa rin ba ikwinento ni Lucifer sa iyo ang bagay na iyon?"

"Kwinento na niya pero parang kulang," sabi ko naman at napatango siya. "Hindi ko rin alam eh pero base sa kwento ni Hades sa akin ay dahil daw sa inggit kaya nagawa ni Lilith iyon. Ang babaeng iyon ay anak ng isa sa mga dyosa ng mga bulaklak," sabi ni Ate Lavender sa akin.

"Ang sabi ni Lucifer sa akin ay isang birhen na dyosa," sabi ko sa kaniya at napakurap sa kaniya ng ilang beses.

"Pero certain goddess diba? Edi iyon nga ang tinutukoy ko. Saka hindi siya basta-basta nahahanap dahil nga sa nangyari raw noon ay itinago siya ng kaniyang ina na hindi na rin mahagilap ngayon, pero hula nila ay nasa Mt. Olympus pa," sabi niya sa akin kaya napatango naman ako.

"Pero ang sabi sa akin ni Lucifer, ang babaeng iyon ang magpapalaya kay Lilith?" tanong ko sa kaniya.

Napatango siya.

"Lilith can't be touched easily, touch in a way of hurting her kaya wala sa kapangyarihan nila Zeus, Hades, Lucifer, Poseidon o kung sino pa ang makakasakit kay Lilith agad dahil naproprotektahan siya ng pinakamaitim na mahikang iginawad sa kaniya ni Achlys," sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko saka napasinghap.

"Bakit hindi nila harapin si Achlys kung siya rin lang naman ang nakagawa noon?"

"She doesn't know how to undo the darkest magic in the history, she knows how to do it but she can't undo it that's why it is prohibited to practice it," sabi ni Ate Lavender at napatakip ako sa aking bibig.

Queen of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon