BELLADONNA
Napanganga ako mula sa aking narinig kay Lucifer. Kaya hahawakan ko na sana siya pero hinila ako ni Ate Lavender paalis.
"Ate, kailangan kong gisingin iyon! Kung kinakailangan kong sampalin ng sampung beses gagawin ko," naiiyak kong sabi.
"May nangyari kanina habang walang ilaw," seryosong sabi ni Ate Brianna sa akin at napaluha ako ng tuluyan dahil doon.
"Ano bang nangyayari sa bwisit na iyan?" iritang pahayag ni Ate Nathalia.
Napahawak naman ako sa mukha ko at doon na ako umiyak nang umiyak. Ang sama-sama ng loob ko dahil sa kaniya.
Ano bang naiisip niya? Magtiwala sa kaniya eh mukha namang nauuto siya ni Lilith!
"Ano bang klaseng utak ang meron si Lucifer ngayon? Hindi siya pwedeng mauuto kasi siya ang pinuno ng mga nang uuto," sabi ko sa kanila sabay padyak pa sa sahig.
Sumilay ang awa sa mga mata nila para sa akin. Hinaplos ni Ate ang buhok ko at pinisil naman ni Ate Nathalia ang braso ko.
"Isipin mo ang anak ninyo, Belladonna. Kami ang bahala kay Lucifer," paninigurado ni Ate Lavender sa akin at napatango naman ako pero hindi pa rin iyon sapat para pahupain ang kung ano mang bumabagabag sa akin.
"Nandito si Achlys."
"Nandito na ang Nanay ni Lilith!"
Sabay-sabay kaming napatingin sa may bukana at may tatlong babae na nakasuot ng itim na bestida at puting-puti ang kanilang mga balat habang binat na binat naman ang kanilang mga buhok na mahahaba.
"Bakit hindi pwedeng makialam sina Zeus?" nagtataka kong tanong sa kanila. At ngumiti ng malungkot sina Ate Lavender.
"They can't barge in because of that, we are all bounded by laws. Mas malala lang sina Zeus dahil mga pinuno sila," pahayag ni Ate Nathalia.
Napahawak ako sa aking umbok at yinakap iyon.
Anak, tulungan mo si Papa mo. Tulungan mo kami.
Lumabas kami mula sa kinaroroonan namin.
"At sino ang lapastangan na gumawa nito sa aking anak?" tanong ni Achlys at ramdam ko ang galit niya sa mga bawat salitang binibitawan niya.
"Hecate, baka nakakalimutan mo? Ikaw ang pinuno ng mahika, ikaw lamang ang may hawak sa ganitong uri ng buhangin," pahayag ni Achlys.
Tumingin ako kay Hecate na nanatiling nakataas ang noo nito at mataas pa rin. Tumaas ang isang kilay niya.
"Ako nga ang may ari at gumawa nito sa kadahilanang ito lamang ang maaaring makakapaglagay kay Lilith sa lugar kung saan siya ay nararapat," sabi niya at humalukipkip pa siya.
Tumingin ako kay Lilith na nanlilisik ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin kaya ngumisi ako ng bahagya dahil hindi siya makakaalis ng ganoon-ganoon lang.
"Nanay, tulungan mo ako. Ayokong umalis dito sa mundong ito," sabi ni Lilith habang nakayakap kay Lucifer na tila tuod lang itong nakatayo.
Umiinit bigla ang dugo ko sa kaniya at nandidilim ang paningin ko.
Lumuhod si Achlys para kumuha ng buhangin pero agad siyang napaso.
"Hindi maaaring hawakan ng isang ordinaryong salamangkera ang buhangin na may dugo ng isang dyosa mula sa Olympus, tanging ako lang ang makakahawak niyan," sabi ni Hecate kaya napanganga ako sa gulat.
Ganoon kalakas ang dugo?
"Kanino nanggaling ang dugong iyon? Sa pagkakaalam ko patay na ang lahi ng dyosang iyon," saad ni Achlys.
BINABASA MO ANG
Queen of Hell (COMPLETED)
RomansaQueen Series 4 Thousands of years have passed the throne for the Queen of Hell is empty. In this year, it will be filled. "Kneel and bow because my Queen is coming." - Lucifer, the King of Hell. Read at your own risk!