CHAPTER 9

780 36 1
                                    

BELLADONNA

Nagising ako mula mahimbing kong pagkakatulog kaya tumingin ako sa labas ng bintana at umuulan ngayon, umuulan pa pala dito? Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng panahon.

Malamang, Belladonna! Hindi naman porket may kapangyarihan ang mga tao dito ay wala nang bagyo, ulan o kung ano-ano pa ang magaganap? Hay nako!

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inayos ang sarili ko, nakasuot pa rin ako ng bestidang pula ngayon na kakulay ng dugo. Tuwing umuulan masarap ang mainit na kape at sakto dahil kagigising ko lang.

Hindi ko makita sina Galina kaya nagkibit balikat na lang ako marahil may inuutos na naman sa kanila at dulot ng nangyari kahapon sa akin ay hindi ko na naisipan pang lumabas ng palasyo kahit sabihin ni Lucifer na may magbabantay na sa akin.

Naglakad ako sa hallway ng palasyo at nakabukas ang siwang ng isang pinto dahil sa pagtataka ko ay pinuntahan ko ito para tignan. Si Lucifer at ang isang lalaki na hindi pamilyar sa akin ngunit nakasuot ito ng magarang kasuotan.

"Why the fuck it happened?" tanong nito kay Lucifer na nakatayo lang sa tapat ng bintana habang nakalagay sa loob ng kaniyang pantalon ang mga kamay niya.

"Should I answer that? Because clearly it's your fault why a prisoner escaped, if you just followed what I requested to you before, my woman won't be put in danger," sabi niya at nanindig ang balahibo ko nung binanggit niya ang my woman at bukod doon tungkol pala sa akin.

"Stop bickering. You two are at fault so the best way is to strengthen the gate and security," sabi ni Zeus na hindi ko naman alam na nandoon pala ito.

"As long as you two are not yet married, she's still in danger because in their eyes she's just a whore," sabi ni Zeus.

Nasaktan naman ako sa kaisipan ng lahat na isa lang akong babae ni Lucifer, ni halikan nga walang nagaganap sa amin.

"I am not rushing her, Zeus. I am still waiting her to adapt the environment that she will live with for the rest of her life," sabi ni Lucifer at napakagat ako ng labi dahil ako lang pala ang inaalala niya. "Delaying the process means giving more the chance of the Titans' to replace you," sabi nung isang lalaki na kasama nila.

"What the fuck are you talking about, Hades?" tanong ni Zeus.

Siya pala si Hades, nanlaki ang mga mata ko at pinigilan ang sarili kong suminghap. Siya pala ang Hari sa mundong ito. "You know it, Lucifer. It is written on the book, I don't like forcing a woman—well, the last woman I forced is my wife, if you are not going to get married for the next full blood moon, your power as the punisher will be vanished," sabi ni Hades.

Napatahimik kaming lahat at napakagat ako ng labi. "If a titan will come and rule this palace I'd rather crush this palace into pieces," sabi ni Hades. Tila may galit siya sa mga Titans na sinasabi niya.

"Miss, who is listening outside come inside," sabi ni Hades at nakita ko sina Zeus at Lucifer na tumingin sa gawi ko kaya napapitlag ako. Walang emosyon ang mga mukha nila na nakadagdag ng kaba ko. "Eavesdropping is bad. You don't want to commit a sin, aren't you? The punisher is just in front of us," tukoy nito kay Lucifer na nakaharap na sa amin ngayon.

Pumasok na ako at mabagal akong lumakad papunta sa kanila dahil kinakabahan pa rin ako at baka mapagalitan ako kay Lucifer. Hindi ako ngayon makatingin sa kanila at nakatayo lang ako sa harapan nila na tila isang batang nahuli ng kaniyang Tatay na gumagawa ng kasalanan.

"You heard what we are talking about, right?" tanong ni Zeus sa akin at tumango ako. "Lift your head up, Belladonna," utos ni Lucifer kaya dahan-dahan akong nag angat ng ulo. Sinalubong ng mga mata ko si Lucifer na kalmado lang siyang nakatayo at nakasandal sa bintana niya.

Queen of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon