CHAPTER 4

867 37 7
                                    

"Kumain ka na, Binibini," sabi sa akin nung isa sa mga tatlong babae. Tumingin ako sa kanila at inosente lamang silang nakatingin sa akin. "Belladonna o Bella, tawagin niyo ako sa pangalang iyan at hindi binibini o kung ano pa man," saad ko sa kanila.

"Napakaganda ng iyong pangalan pero mapanganib," sabi nung isa na nakahawak sa pamaypay at pinapaypayan ako. "Ano? Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya dahil napukaw nito ang interes ko.

"Sa huling bisita ko sa dati mong mundo ay nalaman ko ang ibig sabihin ng iyong pangalan na belladonna ay isang uri ng bulaklak na may dalang lason," sabi nito sa akin.

"Na kahit sino ang kumain nito ay malalason," sabi niya sa akin. Nagbibigay lang siya ng kaalaman pero pakiramdam ko ay may iba itong tinutukoy. Bumuntong-hininga na lang ako at saka ipinagpatuloy ang kinakain ko.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na rin ako at pinagbihis nila ng mahabang bestida na kulay itim ito, binigyan ako ng hikaw, kuwintas at singsing na gawa sa ginto at may maliliit na bato na gawa sa diyamante. Akala ko iyon lang nilagyan din nila ang ulo ko nang headband na korteng korona. Kulay pula at itim ang mga bato nito.

Tumingin ako sa salamin na at halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa bihis na bihis ako at may kolorete ang aking mukha. Nakalugay din ang tuwid at mahaba kong buhok na kulay itim.

"Mas lalo ka gumanda, Bella," sabi sa akin ni Galina.

Galina
Astra
Salema

Natanong ko sila kung bakit sila ang palaging umaasikaso sa akin.

"Naatasan kami ni Lucifer na umalalay sayo, Bella," sagot ni Galina sa akin kaya tumango ako. Nakatanaw ako sa malawak na kalupaan na nasasakupan ni Lucifer at mula sa kinatatayuan ng kaniyang palasyo ay nakikita ko ang bulkan na bumubuga ng lava pero hindi naman umaabot dito.

"Bakit? Sino ba ako dito para tratuhin na para bang isang reyna," saad ko at ngumiti lang silang tatlo sa akin.

"Malalaman mo rin, Bella," sagot ni Salema sa akin kaya napatango na lang ako.

Naglalakad na kami ngayon sa madilim na hallway na ang tanging ilaw lang ay mga tanglaw.

"Ganito ba talaga dito? Wala man lang ilaw?" tanong ko sa kanila. "Sa ibaba, Bella doon ang may mga ilaw na naglalakihan," sabi sa akin ni Astra kaya tumango na lamang ako. Bumaba kami sa engrandeng hagdan na may pula pang carpet.

Naaninag ko na ang kaliwanagan kaya humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Muntik na akong bumalik sa aking kwarto nung nakita ko si Lucifer na nakaupo sa isa sa mga upuan dito at may alak itong iniinom.

Tumikhim ako para maagaw ko ang kaniyang atensyon at naramdaman ko na lang na wala na iyong mga kasama ko sa likod ko na parang bula. Napahiyaw ako nung bigla akong hinatak ni Lucifer palapit sa kaniya gamit ang kaniyang kapangyarihan.

Kapangyarihan?! Nanlaki ang mga mata ko nung napagtanto kong hindi siya ordinaryong tao o nilalang.

Nakaupo na ako ngayon sa kaniya tabi. "Where do you want to go, my princess?" tanong niya sa akin gamit ang mababang boses. Umirap ako saka lumayo sa kaniya. "Pwede ba pakiklaro sa akin ang nangyayari ngayon?" sabi ko sa kaniya at umayos naman siya ng pagkakaupo.

"All right," sabi niya sa akin kaya umayos na rin ako ng pagkakaupo saka tumingin sa kaniya ng deretso sa mata. Ang mga mata niyang walang kabuhay-buhay at malamig lang. Kulay itim ang kaniyang mga mata. "Let's start in your accident, your accident caused by the human error. You and your beloved aunt died on the spot---" sabi niya pero pinutol ko ito dahil sa binanggit niya si Tiya.

"Nasaan siya ngayon?" tanong ko sa kaniya. "She was placed in Elysian Fields," sagot niya sa akin. Saan naman iyon? "Elysian fields is a place where mortals will live a life free of toils and pains, your aunt raised you like her own child and that's her merit," saad niya sa akin at tumango ako.

Lahat ng tao ay makasalanan pero may mga kasalanang nagagawa at kayang patawarin.

"At ako ngayon, nasaan ako?" tanong ko sa kaniya. "You are in my palace, Belladonna. You are not in any regions of underworld, you are in my territory," sagot niya. "Sino ka? Ang pagkakaalam ko isa kang may-ari ng mamahaling bar na talipandas?" tanong ko sa kaniya at nagsalubong ang dalawang kilay niyang makakapal ngunit maayos naman.

"I will forgive you for calling me different names. I am Lucifer, the punisher. I punishes bad people and don't forgive them no matter how they will repent, in other religion I am the devil with horns," sabi niya sa akin at tumango naman ako---ano?!

Napaatras ako at nahulog na ako sa kinauupuan ko dahil sa inamin niyang iyon. Napalunok ako ng ilang beses at tumayo ako mula sa pagkakahulog sa kinauupuan ko. "Pinaglalaruan mo ba ako? Hindi porket tao ako ay uutuin mo na ako!" sabi ko sa kaniya at napahilamos siya sa kaniyang mukha.

Pero mas lalo akong nagulat sa kaniyang ipinakita. Namumula ang kaniyang mga mata, punong-puno ito ng galit at walang espasyo sa kapatawaran, naagnas ang isang kalahati ng mukha niya at may dalawa itong sungay na matutulis.

"This is the real me, Belladonna. I am the devil and named myself as a Lucifer," sabi niya at napatulala ako. Lumaki ako sa kaisipan na may mga elemento sa mundong ibabaw na nakakasalamuha natin at akala ko iyon na ang pinakamalala. Pero ang makita ang demonyong kinatatakutan ng lahat ay hindi madali para sa akin ito.

Nanginginig ako sa takot at dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Pero hindi ako nakaramdam delikado. Tumayo siya at lumapit sa akin pero imbes na tumakbo ako gaya ng palagi kong reaksyon nung bata ako tuwing nakakakita ako ng mga engkanto sa daan.

Nanatili lamang akong nakatayo doon at nakatitig sa kaniya.

"Are you scared now, Belladonna?" tanong niya sa akin at umiling ako kaya hinawakan niya ang braso ko, nanunuot ang init na hatid ng kaniyang mga kamay sa katawan ko kahit na natatakpan ng tela ang braso ko. Taliwas ang lahat ng dapat kong maramdaman gaya ng mga taong natatakot.

"Hindi ako natatakot sayo dahil nakikita ko pa rin sayo ang lalaking talipandas na hindi ako tinulungan ng gabing iyon," sabi ko sa kaniya at napabitaw siya sa akin. Rumehistro ang gulat sa kaniyang mukha kaya bumalik ito sa anyong tao niya. Humihingal ako pagkatapos noon. "Why?" tanong niya sa akin.

Ngumisi ako sa kalooban ko dahil sa tanong niya. Kailan man hinding-hindi magtatanong ang isang demonyo kung bakit, ano at sino dahil palagi niyang iniisip na siya ang pinakamataas sa lahat.

"Hindi ko alam pero hindi ako natatakot sayo o nakaramdam ng takot sayo, Lucifer," sabi ko sa kaniya at umigting ang kaniyang panga sa tinuran ko. "You should be afraid of me, Belladonna! Because you are just a former human! Humans should bow before us!" sabi niya sa akin at dumagundong ang boses niya sa buong lugar.

Nagkibit-balikat lamang ako sa kaniya. "Akala ko ba ipapasyal mo ako?" pang-iiba ko ng topic at tumingin siya sa akin na tila hindi makapaniwala saka sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri nito. "How dare you," he said and I showed him my smile. "Gusto kong pumunta sa Elysian fields kahit hindi ko na lang makita si Tiya," sabi ko sa kaniya at tumango siya pero matalim ang tingin na binibigay niya sa akin.

Nauna siyang naglakad at doon ko lang napansi na nanginginig ang aking tuhod. Natatakot ako sa kaniya dahil sa kaalamanang isa siyang demonyo at hindi dapat pagkatiwalaan dahil isa siya sa mga pinakamapanganib. Pagkaraan ay sumunod na rin ako sa kaniya palabas ng kaniyang palasyo.


VOTE

COMMENT

SPREAD THE LOVE AND THE STORY


DYOSANIHADES69

2021

Queen of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon