CHAPTER 14

730 26 1
                                    

BELLADONNA

Lumabas ako ng palasyo para lumanghap ng hangin at nakita ko namang tumayo ang mga gwardiyang itinalaga ni Lucifer para magbantay dito, sumaludo sila sa akin kaya ngumiti at nag-bow naman ako sa kanila bilang tanda ng pagggalang ko rin sa kanila. 

"May nais po ba kayong puntahan, Mahal na Reyna?" tanong sa akin ng isang gwardiya na nakatayo sa may tabi ng pinto. "Pupunta ako ng mag isa sa ilog," sagot ko sa kaniya at tumango siya. 

"Kung kailangan po ninyo ang aming tulong ay tawagin niyo lamang po kami at bukod doon may nagbabantay naman po malapit sa inyo," sabi niya sa akin at tumango ako saka nagpasalamat sa kaniya. 

Hindi ko kasama sina Galina dahil nagtungo ulit sila sa hardin ni Ate Lavender para kumuha ng mga gulay at prutas, gusto kong sumama sa kanila ngunit pinagbabawal nila na pumunta ako kung saan-saan. Naiintindihan ko naman dahil sa nangyari sa akin dati at ayaw ko nang maulit pa iyon.

Napangiti ako ng malapad nang makita ko si Clytie na nakaupo sa may ugat ng puno habang pinapanood ang tubig na umaagos. Nakasuot ito ng puting bestida at may nakalagay na ribbon sa kaniyang buhok na kulay puti rin. 

"Nagpunta ka lang ba dito dahil nais mong mapag isa?" tanong ko sa kaniya at tumingin naman siya sa gawi ko, ngumiti siya sa akin ng katamtaman lang. 

"Hindi naman gusto ko lang pagmasdan ang tubig," sagot niya sa akin. "Upo ka dito sa tabi ko," dagdag pa nito kaya dali-dali naman akong umupo. Hindi ako lumabas ng kwarto namin ng maghapon kahapon dahil sa pananakit ng katawan ko. Tumikhim ako para maalis ang ala-ala na iyon sa utak ko. 

"Alam kong gusto mong malaman ang kwento ko," sabi niya sa akin at umiwas naman ako ng tingin. "H-Hindi naman sa ganoon, Clytie. Pero kung kumportable kang magkwento, makikinig ako," sabi ko sa kaniya at tumango siya sa akin. 

Nagsimula itong magkwento at napatitig naman ako sa kaniyang mukha dahil halata mo ang kasiyahan niya sa mga mata pero habang tumatagal ay nagbabago ito hanggang sa nawala ang kislap nito at napalitan ng lungkot at sakit. 

"Tama naman ako na piliin ko ang sarili ko sa pagkakataon na ito, diba?"

"Walang mali kung pipiliin mo ang sarili mo dahil dapat lang na piliin mo at ang masasabi ko ay sana noon mo pa ginawa para hindi ka nasasaktan ng ganiyan," komento ko at napatango siya saka huminga ng malalim. 

"Pero hindi naman tayo natututo kung walang nangyayari sa atin at sa nakikita ko ay natuto ka na," dagdag ko dito. 

"I learned it in the hardest way," bulong niya saka tumitig sa makulimlim na kalangitan. "Ganito pala ang mundo kapag walang araw, ganito rin ang paningin ko sa lahat---makulimlim, madilim but what's funnier is I prefer to stay like this," sabi niya at napatingin ako sa kaniya. "I don't want a sun anymore, I don't want to see a sun," malungkot na sabi niya. 

"Samantala dati I love seeing the bright skies, the sun lights and the sunsets," pahayag niya at ramdam ko ang sakit sa boses niya. Napatahimik naman ako dahil masakit na talikuran ang matagal mo nang ginagawa, ang dati mong ginagawa. 

"Anong plano mo?" tanong ko sa kaniya. 

"Can I stay here longer until I am able to see him?" tanong niya sa akin at nasa mga mata nito na desidido talaga siyang kalimutan ang matagal na pagsinta niya para kay Apollo kahit na ilang libong taon nitong minahal. "Oo naman," sabi ko sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kamay. 

"H-Hindi ka ba niya hinahanap?" tanong ko sa kaniya at bigla naman siyang natawa sa sinabi ko. "He won't probably he is enjoying his life now without me pestering him, sabi niya dati sa akin nasisira raw ang araw niya kapag nakikita niya ako kaya nagtatago ako sa loob ng aming kweba habang palihim siyang tinatanaw sa kalangitan," sabi niya at halatang mabigat ang kalooban niya kaya hinawakan ko siya sa balikat. "Tama na, Clytie. Huwag ka nang magkwento at alalahanin mo pa ang mga pinagsasabi niya," sabi ko dito. 

Queen of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon