CHAPTER 16

634 30 1
                                    

BELLADONNA

"Hindi ko iiwan si Belladonna."

"Aalayan ko siya."

"Ikaw, Galina? Anong gagawin mo?"

"Syempre, susundin ko lahat ng iuutos at ipapagawa niya."

"Ano ba kayo huwag niyong agawin ang responsibilidad ni Lucifer, aba dapat siya ang maghirap," dinig kong sabi ni Clytie.

Napakunot ang noo ko at napagdesisyonan ko nang magmulat ng mga mata. Nasa loob na ako ng aming kwarto at nandito sina Hades, Zeus, Poseidon, Lucifer, Ate Brianna, Ate Lavender, Ate Nathalia, Clytie, Galina, Astra at Salema. Bakit anong meron?

"Babe," sabi ni Lucifer sa akin sabay hawak sa kamay ko at tinulungan niya naman akong makaupo. "B-Bakit? Anong meron?" nagtataka kong tanong sa kanila.

May mga ngiti sa mukha nila kaya nagtataka ako sa kanila. "You're pregnant, we're pregnant," sabi ni Lucifer at may saya sa kaniyang boses kaya napatanga ako.

Ako? Buntis? Sigurado na ba?

"T-Talaga?" nauutal kong sabi at biglang nanginig ang buong katawan ko dahil sa balitang pinasabog ni Lucifer sa akin. "Kailan pa?" tanong ko sa kaniya.

"You're five weeks pregnant, babe."

Napaisip naman ako sa mga nakaraang linggo sa mga pinaggagawa ko at napakagat labi ako. Bigla akong nakaramdam ng takot at nerbyos dahil may pagkakataon na tumatakbo ako at kung ano-ano pa ang ginagawa ko na hindi dapat gawin ng isang buntis.

"O-Okay lang ba ang...anak natin?" nag aalala kong tanong sa kaniya at biglang namuo ang mga luha ko sa aking mga mata.

"Of course, our baby is fine and well," sabi niya sabay haplos sa aking buhok kaya nakahinga naman ako ng maluwang.

Binati naman nila akong lahat at ipinarating na masaya silang magkakaroon na rin si Lucifer ng sariling anak para naman daw maranasan niya ang mga bagay na tinatawanan lang daw niya dati kina Hades.

"It's payback time, motherfucker," nakangising sabi ni Zeus dito kaya umirap naman si Lucifer. "Women, bring your husbands with you outside," utos niya sa mga ito kaya natatawa naman nilang hinila ang mga asawa nila palabas.

Naiwan kaming dalawa ni Lucifer dito sa kwarto at nakatitig lang siya sa akin. May nagbago sa mga mata niya, kulay itim pa rin ang mga ito pero hindi na nakakatakot gaya ng dati.

"I-I don't know what to react but I am beyond grateful for our baby," sabi niya sa akin at napangiti naman ako. "Ako rin naman, masayang-masaya ako at hindi ko alam kung ano ba dapat kong sabihin dahil sobrang saya ng puso ko at magkakaanak na rin ako, tayo," sabi ko sa kaniya at yinakap siya.

"I am going to do everything to protect our family, Belladonna. No one can touch you and our child," determinadong sabi niya sa akin at yinakap ako ng mahigpit.

Sa araw na iyon hindi na bumalik si Lucifer sa kaniyang trabaho at nanatili na lamang sa tabi ko, hinahaplos niya ang tiyan at braso ko.

"Itigil mo iyan, Lucifer," suway ko sa kaniya dahil inaayos ko ang mga bulaklak na binigay nina Ate Lavender kanina. Ilalagay ko sila sa mga lalagyanan na ipinakuha ko kay Salema.

Nakaupo kami ngayon at nakaupo naman sa tabi ko si Lucifer. "Hades said that slightly massaging you can make you relief," inosenteng sabi niya at napapailing na lamang ako.

"O tumatsansing ka sa akin?" akusa ko dito at umirap siya sa akin. "No, I am not, babe."

Pero tama si Hades, gumagaan ang pakiramdam ko sa ginagawa ni Lucifer sa akin pero hindi pa ito ang tamang oras dahil may ginagawa pa ako. "Sasabihin ko sa iyo kung kakailanganin ko ang tulong mo at saka hindi pa masyadong malaki ang tiyan ko," sabi ko sabay turo dito.

Queen of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon