BELLADONNA
Pinapanood ko lamang na matulog sina Lucifer at Lu sa ibabaw ng kama. Nasa dibdib ni Lucifer ang anak namin na mahimbing din na natutulog.
Kilala nina Lucifer ang anak ni Achlys?
Ina pa rin si Achlys at alam ko na kapag nakita niya ang anak niya ay baka matigil ang lahat ng kaguluhan na ito.
Kung kilala nila bakit hindi nila maiharap kay Achlys ang anak niya?
Alam kong napunan ni Lilith ang pangungulila ni Achlys sa kaniyang anak ngunit iba pa rin kung mismong anak mo na nanggaling sayo.
"Where do you think you're going?" tanong ni Lucifer sa akin ng akma akong tatayo na para umalis.
"Diyan lang sa labas, matulog ka muna," sabi ko sa kaniya.
"I missed you, babe. Just stay with us," saad nito kaya wala akong nagawa kundi gawin ang nais niya.
Bumalik ako sa pagkakatabi sa kanila ng aming anak dala-dala ang palaisipan tungkol kay Achlys at sa anak nito.
"It seems like you're drowning in your thoughts, mind to share it with me?" tanong niya sa akin kaya agad akong humarap sa kaniya.
"May alam ka ba tungkol sa anak ni Achlys?" agad kong tanong sa kaniya at nakitaan ko siya ng gulat.
"What?"
"Watawat. Sagutin mo ang tanong ko, Lucifer," sabi ko sa kaniya at huminga siya ng malalim.
"Where did you get that information, Belladonna?" tanong niya at kita mo ang pagkagulat sa mga mata niya.
So, totoo nga na may anak si Achlys at ang mga nakalahad na impormasyon sa libro.
"May nabasa akong impormasyon tungkol sa kaniya sa librong nasa library ni Zeus," pang aamin ko.
"You can read those," saad niya at nahihiwagahan akong tumango sa kaniya.
"Oo naman, anong akala ninyo kayo lang nakakabasa?" sabi ko sabay irap sa kaniya.
Hindi siya umimik pagkatapos non at tumitig lang ito sa akin na tila ba inaanalisa niya ako.
"Can I see your back?" tanong niya at napakunot naman ang noo ko.
"Bakit? Hindi mo pa ba nakikita ang likuran ko?"
"Because I never take you in the back, Belladonna. Now, can I see your back?"
At agad na pinagsisihan ko na tinanong ko pa siya imbes na gawin ang sinasabi niya dahil umiba na naman ang timpla ng kaniyang mga sinabi.
"Ang bastos talaga ng bunganga mo," sabi ko sa kaniya at itinaas ang damit ko para makita niya ang likod ko.
May hinawakan siya sa parteng likuran ko at napapitlag ako sa init ng kaniyang kamay.
"May apoy ba iyang kamay mo ha," reklamo ko dito. "You're fertile right now, babe."
"Manahimik ka."
Naging tahimik ang mga sumunod na segundo at tanging hininga na lang namin ang maririnig mo dahil masarap ang tulog ng aming anak sa ibabaw ng kama.
"Ano ba kasinang tinitignan mo diyan sa likod ko?" reklamo ko sa kaniya.
"I am looking if there's a birth mark but I saw nothing," sabi niya kaya napairap ako. "Eh bakit ang tagal mo?"
"I am admiring your bare back," malanding sabi niya kaya naman inikutan ko siya ng mga mata hindi talaga nawawala ang pagiging malandi ng bunganga niya.
BINABASA MO ANG
Queen of Hell (COMPLETED)
RomanceQueen Series 4 Thousands of years have passed the throne for the Queen of Hell is empty. In this year, it will be filled. "Kneel and bow because my Queen is coming." - Lucifer, the King of Hell. Read at your own risk!