CHAPTER 20

555 28 9
                                    

BELLADONNA

Trust me. All I need aside from your love is your trust also.

Iyan ang huling narinig ko mula kay Lucifer at ngayon na ika-anim na araw na nakalilipas ay hindi pa siya dumadating.

Himas-himas ko ang magwawalong buwan kong tiyan habang naglalakad sa loob ng aming kwarto at nakatingin lang sa akin ang apat na babae.

"M-May masakit ba sa katawan mo kaya hindi ka mapakali, Bella?" tanong sa akin Astra.

Umiling lang ako at hindi ko maisatinig ang gusto kong sabihin dahil ang gusto ko ay si Lucifer. Nasaan ba kasi siya?!

"Nasaan ba si Lucifer?" tanong ni Clytie.

"Hindi ko rin alam," sagot nila kaya bumuntong-hininga ako.

"Baka manganganak ka na, Bella? Kaya hindi ka kumportable," komento ni Clytie pero napatingin ako sa kaniya at umismid.

"Taray ng buntis na ito," pahayag niya at humalukipkip siya. Hindi matigil ang kabog sa dibdib ko at tila may gustong puntahan ang mga paa ko.

"T-Tila may kutob ako na hindi ko maintindihan," sabi ko at nagkatinginan silang apat.

"Sabi-sabi nila na kadalasan ang mga kutob ay totoo," mahinang sabi ni Salema. "H-Huy! Huwag naman ganiyan, huwag mong dagdagan ang iniisip ni Bella," sabi ni Clytie.

"Tama siya. Ngayon lang na hindi nagpalaam sa akin si Lucifer sa kaniyang pupuntahan gayong kahit maliligo lang siya ay sinasabi na niya sa akin," sabi ko.

Nagtungo ako sa may pintuan at pinihit ang seridora door knob at sakto namang humahangos na dumating sina Ate Lavender at Ate Brianna.

"A-Ate? May kailangan ba kayo?" mahinahon kong tanong sa kanila.

"Kailangan mong pumunta sa bulwagan ng palasyo namin, tara!" aya nina Ate Lavender sa akin at kahit na naguguluhan ako ay sumama ako sa kanila.

May isinaboy sa hangin si Ate Lavender na isang kulay itim na powder at bigla na lamang dumilim ang paligid. Hanggang sa makarating kami sa palasyo nila.

Nasa labas ng malaking pinto ang problemadong Poseidon at Zeus.

"Tangina ni Lucifer,"

"What a bullshit."

"Anong meron?" tanong ko sa kanila kaya sabay-sabay silang lumingon sa akin at tinungo ng mga mata nila ang tiyan kong maumbok na.

"Kahit anong mangyari lumapit ka kay Lucifer at ipahawak mo ang tiyan mo, dapat maramdaman niya na anak niya mismo ang nasa loob mo," desperadong pahayag ni Ate Lavender.

"Teka...teka...ano bang nangyayari at bakit dawit dito ang asawa ko?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang apat.

"He is getting married with Lilith,"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Zeus at naramdaman ko na tumigil ang pag ikot ng mundo ko kasabay ng panghihina ng mga tuhod ko.

Tumawa ako ng pagak saka umiling-iling.

"H-Hindi niya magagawa iyon sa akin at mas lalong hindi siya pwedeng magpakasal kasi kasal na siya sa akin," pagpapaintindi ko sa kanila o mas tamang sabihin na sa sarili ko? Dahil hindi ko matanggap at tatanggapin.

"He can. We can."

Tangina! Anong klaseng utak ba ang meron si Lucifer?!

"Buksan mo ang pintuan," utos ko sa kanila. Pinuno ko ng determinasyon at lakas ng loob ang dibdib ko kahit na tila nauupos akong kandila ngayon.

Queen of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon