BELLADONNA
"Belladonna, gumising ka diyan," sabi ng isang boses ng babae. Kaya unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at pinalibot ito sa kabuuan ng kwarto.
Nasa kwarto ulit ako dito sa palasyo namin. Teka, anong nangyari? Huling ala-ala ko ay nasa mundo kami ng mgamortal.
"Gising na ang asawa mo," sabi ni Ate Brianna kay Lucifer. Lumapit siya sa akin habang karga ang anak namin na kasalukuyan ding nakatingin sa akin.
"Thankfully, you're awake," sabi niya at hinalikan ako sa noo.
Dahan-dahan naman akong umupo at nginitian ko ang aming anak na tila hinihintay niya akong kunin siya.
Pinugpog ko siya ng halik na ikinahagikgik naman niya. Masarap sa tenga ang tawa niya. Nakagagaan ng loob.
"Nasaan si Achlys? Ang aking Tiya?" tanong ko sa aking asawa at dadalawa na lang pala kami dito sa kwarto.
"Achlys was put inside Tartarus, we stripped off her powers. And your Tiya, she's back in where she belongs," sabi niya kaya napatango naman ako at huminga ng malalim.
"How are you feeling right now?" tanong niya sa akin at hinawakan ang aking kamay saka niya ito pinagsalikop. Dinala niya ang kamay ko sa kaniyang labi para halikan ito.
Nag init naman ang magkabilaang pisngi ko.
"Maayos na ang pakiramdam ko, salamat."
Naging tahimik kaming tatlo. Hindi ko alam kung papaano ko siya sisimulan tanungin sa mga bagay-bagay na katanungan ko.
"Lucifer, may tanong ako sayo," saad ko at nakita ko naman ang pagtango niya.
"Una pa lang bang makita mo ako ay alam mong anak na ako ni Achlys?" tanong ko sa kaniya.
"No, but our first make love, I saw your hidden birth mark," sagot niya kaya napakurap ako ng ilang beses dahil biglang natuyo ang lalamunan ko.
"At first, I was curious so I look at the books inside Zeus' library and I saw your birth mark," kwento niya kaya napatango ako.
"I know in that moment, you are Achlys daughter that's why I shut my mouth because I don't want her to know your existence," dagdag niya na ikinakunot ng noo ko. "She will kill you, Belladonna. Her thirst for power and greediness are high."
"Hanggang sa magkandaleche-leche na lahat," saad ko na ikinatango naman niya. "But I did not regret about it because you're still with me now," sabi niya na ikinairap ko.
"Ako'y tigil-tigilan mo, Lucifer," naiiritang sabi ko sa kaniya.
Nakangiti ako ngayon na naglalakad kasama si Lucifer papunta sa Tartarus dahil gusto kong makausap ng masinsinan si Achlys.
Nginingitian ko ang mga bawat kawal na nakikita ko samantala si Lucifer ay walang emosyon ang mukha niya.
"How can you be so sure that Hecate will not teach our baby something?" tanong niya sa akin na tila iyon ang bumabagabag sa kaniya.
"Ano ka ba! Huwag mong ginaganon si Hecate," sabi ko sa kaniya.
Sina Lucifer at Hecate ay talaga namang magkaaway para silang aso't pusa.
"Pero tanong ko lang sino iyong lalaking kasama niya palagi?"
"He is her first and last love," sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko. "Talaga?! Hinintay ni Hecate dito para magkasama na sila?" tanong ko pa.
"Don't romanticize their situation because Hecate closed her heart to that man. The man volunteered to serve Heacte for eternity because he wronged her," sagot ni Lucifer kaya napanganga ako.
BINABASA MO ANG
Queen of Hell (COMPLETED)
RomanceQueen Series 4 Thousands of years have passed the throne for the Queen of Hell is empty. In this year, it will be filled. "Kneel and bow because my Queen is coming." - Lucifer, the King of Hell. Read at your own risk!