CHAPTER 24

526 23 0
                                    

BELLADONNA

Naalimpungatan ako sa narinig kong iyak ng isang sanggol kaya agad ko itong tinignan.

Buhat-buhat na ni Lucifer ang bata at marahan niya itong inuugoy sa kaniyang mga bisig.

"Hush now, baby. Daddy is here you can't disturb your Mom's rest time. She needs it, okay?" mahinahon na sabi ni Lucifer dito at tila nakaintindi naman ang anak namin.

Anak namin.

Napakasarap sa pakiramdam na hawak-hawak na namin ang batang pinotektahan, inalagaan at minahal.

"Baka nagugutom siya Lucifer," sabi ko dahil tila umalis ang antok sa katawan ko at umayos ako ng pagkakaupo sa kama.

"You're awake it seems like she just wants to be held," sabi ni Lucifer pero naawa naman ako sa aking anak.

"Ibigay mo siya sa akin at padedehin ko siya," sabi ko at ibinuka ang aking mga braso para ilagay niya dito.

Nakaalalay lamang sa akin si Lucifer habang tahimik lang namin na pinapanood si Lu na dumede sa akin.

"Ang saya-saya ng puso ko, Lucifer dahil sa pagdating niya," sabi ko sa aking asawa at marahan naman na hinaplos ng asawa ko ang braso ko.

"Me too, I feel like my life is complete," komento rin niya at napangiti ako.

"Ganito pala ang pakiramdam kapag magulang ka na at nakakalungkot lang dahil hindi manlang naranasan ng aking Ina na mahawakan ako ng ganito," sabi ko sa kaniya at tahimik lang na nakikinig siya sa mga kwento ko.

"Tapos ang tatay ko naman iyan ang hindi ko alam at kilala," dagdag ko pa.

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman kong wala na pala akong kausap dahil nakasandal na lang sa akin si Lucifer at si Lu ay tumigil na rin sa pagdede sa akin.

Natatawa naman ako ng mahina. Mag-ama talaga sila.

Maingat ko naman na isinandal si Lucifer sa unan dahil ilalagay ko si Lu sa kaniyang higaan na binili naman nina Ate Lavender sa mundo ng mga tao at dinala dito.

"Mahal na mahal kita, anak," sabi ko sa kaniya pagkatapos ko siyang ilapag at tinapik ng tatlong beses dahil tila nagising pa siya.

Sunod naman na inayos ko ang pagkakahiga ng pagod kong asawa sa ibabaw ng aming kama.

Araw-araw may nakakasalamuha si Lucifer na mga makakasalang tao kaya laging pagod ang kaniyang histura tuwing umuuwi siya ngunit hindi niya nakaligtaan na gawin ang mga responsibilidad niya sa amin ng anak niya.

Pagkaayos ko sa kaniya ay hinalikan ko siya sa noo at tumabi sa kaniya.

"Mahal na mahal kita, Lucifer," sabi ko sa kaniya at naidlip na rin katabi niya.

"Papatayin ko ang anak ninyo!" sabi ni Achlys sa akin at nanginginig ang aking kalamnan habang mahigpit ang pagkakayakap ko sa aking anak.

"Walang kasalanan sa iyo ang bata, pakiusap huwag mong idamay ang anak namin," umiiyak kong pahayag sa kaniya.

Kasabay noon ay ang pag iyak ng malakas ni Lu kaya hinele-hele ko ito at pagkatingin ko kay Achlys ay nakatakip ang kaniyang mga kamay sa tenga nito.

"A-Anak, tahan na," sabi ko at tila ayaw tumigil sa pag iyak.

"Tumahimik! Patahimikin mo ang bata! Ahhh! Ang sakit!" sabi ni Achlys hanggang sa mapaluhod ito.

Nagtataka akong pinapanood siya hanggang sa tumahan din ang aking anak.

Gamit ang mahabang kahoy na matulis ang dulo nito ay itinutok nito sa aking mukha.

Queen of Hell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon