BELLADONNA
Kusang bumukas ang malaking gate ng palasyo ni Zeus, kulay puti ang pintura ng kaniyang palasyo at kulay ng kalangitan ang ibang detalye nito. Napakaaliwalas tignan ito at may malawak na hardin naman ito sa tabi.
"Lucifer, pwede ba ako magtanim ng halaman sa gilid ng palasyo? Malawak kasi ang lupa doon."
"Are you sure? There's no hundred percent sure if a plant can grow there, a plant needs a sunlight to live," saad nito kaya napaikot naman ako ng mga mata. "Alam ko," saad ko sa kaniya.
"It's up to you," suko niya kaya napangiti ako ng malawak. "Salamat!" masayang sabi ko kaya tumango ito.
"Agape!" dinig kong tawag ni Ate Brianna sa batang nagtatakbo ngayon. "Zeus, iyang anak mo!" sabi niya sa kaniyang asawa na nakatayo lang sa tabi nito habang natatawa.
Tumigil ang mga kabayo sa harapan nina Ate Brianna at Zeus. "Hello!" sambit ng isang batang babae sa gilid ni Lucifer.
"Agape come here, anak," tawag ni Ate Brianna dito pero hindi siya pinansin ng anak bagkus ay iniabot pa niya ang kamay kay Lucifer at ang isa naman ay mabilis nitong kinuha ang bata saka inilagay sa kandungan niya.
"Uncle, is she your wife? She's beautiful!" komento niya saka inilapit ang mukha sa akin kaya nagtataka akong tumingin kay Ate Brianna. "Hahalikan ka niya," nakangiting sabi ni Ate Brianna kaya mabilis kong inilapit ang pisngi ko sa kaniya.
Naramdaman ko naman ang malambot nitong labi na dumampi sa pisngi ko. "You're so pretty, Auntie. Did my Uncle casted a spell on you?" tanong niya na nakapagpahagalpak sa aming tatlo maliban kay Lucifer na nakasimangot na.
"Am I that ugly to be paired with a beautiful Auntie?" tanong niya sa bata at hindi na inisip ng bata ang sasabihin dahil tumango ito agad. Halos gumulong na sa sahig si Zeus. "Hold this baby girl, I am going to teach someone a lesson," sabi ni Lucifer sa akin saka inilipat sa hita ko ang bata.
Mabilis na bumaba si Lucifer mula sa kalesa saka lumapit kay Zeus, hinampas nito ang likod. "Huwag kayong magmura sa harapan ng anak ko," banta ni Ate Brianna sa dalawang lalaki kaya sinamaan nila ng tingin ang isa't isa.
"Hindi ba't may meeting pa kayo?" saad ni Ate Brianna at tumango naman ang dalawa. "Anak, baba ka na diyan para makababa na rin si Tita Bella," sabi ni Ate Brianna sa kaniyang anak.
Tumango naman ang bata saka pinisil ang kamay ko kaya inalalayan ko siyang bumaba at sunod naman akong bumaba.
"Belladonna, don't go somewhere alone," sabi ni Lucifer sa akin at tumango naman ako saka ngumiti sa kaniya. "Oo huwag kang mag aalala," saad ko sa kaniya.
Tumitig muna ito sa akin at inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi, parang tanga naman nito. Umirap ako saka humalukipkip. "Oo nga kasi makikita mo pa ako mamaya, uuwi pa tayo ng sabay," sabi ko.
"Aysus! Ganiyan talaga kapag bagong kasal hindi mapaghiwalay!" nang aasar na sabi ni Ate Brianna kaya namula naman ang mga pisngi ko. "Let's go, Lucifer," sabi ni Zeus saka inakbayan pa ito.
"Uncle and I have to go somewhere, stay here with you Mommy and Auntie, all right?" bilin ni Zeus sa anak na babae na karga na ngayon ni Ate Brianna. "Yes, Daddy!" masiglang sagot naman nito sa kaniyang ama. Hinalikan ni Zeus ang anak sa ulo saka sunod naman hinalikan ang asawa sa labi kaya napaiwas kami ni Lucifer ng tingin sa isa't isa.
"Enough of that let's go," sabi ni Lucifer kay Zeus sumimangot naman si Ate Brianna. "Kung naiinggit ka, nandiyan ang asawa mo," sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Anong tinitingin mo diyan?" mataray kong tanong kay Lucifer at nanigas ako sa aking kinatatayuan nung tinawid ni Lucifer ang pagitan naming dalawa saka ako hinalikan sa mga labi.
BINABASA MO ANG
Queen of Hell (COMPLETED)
RomanceQueen Series 4 Thousands of years have passed the throne for the Queen of Hell is empty. In this year, it will be filled. "Kneel and bow because my Queen is coming." - Lucifer, the King of Hell. Read at your own risk!