"Ms. Peachy Lynn Martinez."
Napahinto ako sa pagta-type sa laptop nang marinig ko ang pangalan ko. Napamasahe ako sa sentido ko bago ako magsalita.
"Taray! Kanino galing yan?!" agad na usisa ni Ashenia, kaibigan ko siya dito sa france. Pilipino rin siya katulad ko.
"Qu'est-ce que c'est?" tanong ko sa delivery man.
"Uy! Baka kay Ace yan, ah!" panunukso ni Ashenia.
Napailing lang ako. "Baka bigay nga nya, 'no," biro ko. "Merci!" baling ko sa delivery man sabay kuha sa hawak niya.
Bumalik muli ang paningin ko sa isang bungkos ng mga sunflower na nakapatong sa table ko. Bukod sa bulaklak ay may box of cake pa ito. Pilit na ngiti kong kinuha ang card na nakadikit sa wrapper ng bulaklak.
From: Mr. Handsome.
Mr. Handsome? Tsk. Corny. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at tinext si Ace.
PeachyMartinez: Hoy! Corny mo.
Ilang minuto lang ay nagreply na ito.
AceCullen: Huh bakit?
PeachyMartinez: Ikaw ba nagbigay nito?
AceCullen: Ng alin?
PeachyMartinez: Bulaklak at cake.
AceCullen: Hindi ah! Baka sa ex mo galing yan.
PeachyMartinez: Psh. Sige na bye.
AceCullen: Pikon ka talaga.
Natawa ako sa reply nya.
"Uy," nanunuksong kinalabit ako ni Ashenia. "Ayan ah? Kinikilig ka,"
"Hoy! Hindi ah!" tugon ko.
"Psh," natatawang ani niya.
"Oh sya! Bumalik na tayo sa trabaho." seryosong sabi ko.
"Oo na," natatawang sagot niya.
Bumalik na siya sa ginagawa nya at hindi ko maitatanggi ang saya sa dibdib ko. Siguro ay dahil hindi ko na rin matandaan kung kailan ako huling nakatanggap ng bulaklak. Napailing na lang ako at tinuloy ko na lang ang ginagawa ko.
Hanggang sa matapos ang trabaho ko ay isip ako nang isip kung sino ang posibleng nagpadala nito. May sagot sa puso ko, pero alam kong imposibleng mangyari iyon. Gayon pa man, tinutok ko na lang ang sarili ko sa ginagawa ko ngayon.
May business Proposal kasi akong ginagawa ngayon para sa kompanya ni Tita.
Pagkatapos kong gawin yung Proposal ay naisipan ko na rin umuwi. Nagpaalam muna ako kay Ashenia.
"Hey, Ashenia, una na ako! See you tomorrow, Take care," paalam ko saka siya iniwan.
Hanggang sa pag-uwi ay hindi ko maiwasang lingunin nang paulit-ulit ang mga bulaklak na nasa tabi ko.
Napaka-imposible talaga. Hindi alam ni Gabriel kung nasaan ako at lalong-lalo na imposibleng sa kaniya nanggaling ito.
Nakahiga ako sa sunlounger sa likod bahay. Dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.
Nakatanaw lang ako sa langit habang pinapanood ang mga bituin na kumukutip kutitap na para bang inaakit ako. Napangiti ako ng mapakla ng maalala ko nanaman ang mga nangyari sa amin noon.
"Bakit kaya?"
Naitanong ko nalang sa sarili ko saka ko naramdaman ang pag tulo ng luha sa aking mga mata.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romance(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...