"Woooohh! Good morning!" mabilis akong tumayo at uminom ng tubig bago mag sipilyo.
Nung matapos yun ay saka ako bumaba.
"Good morning, everyone!" masaya kong bati sa kanilang lahat.
"Oh anak bakit ang saya mo naman ngayon?!" nakangiting tanong ni Mommy.
"Ay tita! sasagutin nya na kasi si Gabriel." kinikilig na sabi ni Eunice at Angel.
"Talaga anak?!" gulat na tanong ni Mommy.
"Opo, Mommy!" nakangiti kong sagot.
"Oh sya anak, kumain na tayo." sabi nito.
Kaya umupo na ako at kumain na. Pagkatapos kong kumain, Umakyat na muna ako sa kwarto para mag prepare ng susuotin ko mamaya.
GABRIEL'S POV
Tanghali na nung magising ako.
11:30 na ng umaga.
Kaya naman pagkabangon ko ay uminom lang ako ng tubig at saka naligo na. Pagkatapos ko maligo nagbihis lang ako ng short at shirt saka bumaba na rin kaagad ako.
"Happppyyyyyy Birthday!!!!!" sigaw ni Kuya.
Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan ay nagbukas na sya ng apat na wine at saka inilapag sa mesa at naglakad papalapit sakin. Kasama pa niya si Mom.
"Ang panget mo ngayon kuya." pang-aasar ko pa sa kanya at binatukan naman nya ako bago tuluyang lumapit sakin at yumakap.
"Happy Birthday, Hermano Bebe!! Feliz cumpleaños!!" bati nya pa sa spanish. Umalis sya sa pagkakayakap sakin at saka humalik sa pisngi ko.
"A-Ano ba kuya! Kadiri ka!" inis na singhal ko at saka pinunasan ang pisngi ko.
"Hahahahahahahaha!!!" malakas syang tumawa at saka bumalik sa dining area.
"Happy Birthday." nakangiting bati ni Mommy kaya naman ngumiti ako sa kanya.
"Thank you, Mom."
"I love you..."
"I love you too, Mom."
"Pupunta ba si Peachy ngayon baby?!" excited na tanong nya.
"Of course, Mom." nakangiti kong sagot.
"Kayo na ba baby?!" kinikilig na tanong nya pa.
"Hindi pa po, Mom!" malungkot na sagot ko.
"Ah ganun ba? Wag kang mag-alala baka mamaya sagutin ka na nun." masayang sabi pa nito.
"Sana po." sagot ko. "Mom! Where's Dad??"
"Ayun, busy sa kakaayos ng venue mo."
Hindi na ako sumagot matapos nyang sabihin yun. Agad naman akong pumunta sa likod para tignan kung anong ginagawa nila doon.
Lumapit ako kay Dad at nakangiti namang sinalubong nya ako.
"Oh son... Happy Birthday, son!" bati pa nya. Yumakap naman ako sa kanya at pareho pa kaming tatapik tapik sa likod.
"Thanks, Dad." nakangiting sagot ko at saka muling tumingin sa stage na ginagawa nila. "Ang laki naman po nyan, Dad?"
"Hahahahaha! Malaki ba? Kuya mo at yung girlfriend nya ang nagdesign nyan."
"Psh.. OA talaga ang mga yun."
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romance(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...