Warning: R-18. Read at your own risk.
Saan kayo magbabakasyon?" tanong ni Elodie.
Nandito kami ngayon sa cafeteria breaktime namin ngayon.
"Baka sa america," sabi ni Freya sabay inom ng shake.
"Kami ni Peachy baka pumunta kami sa El Nido sa palawan, doon kami magbabakasyon," sagot ng katabi ko at nagulat naman ako.
"Huh?! Ano naman gagawin natin doon?" gulat na tanong ko.
"Magbabakasyon nga, Love."
"Paalam mo 'ko kila Mommy." sabi ko pa.
"Yes, Love!" nakangiting sagot pa niya.
"Sana-all El nido!" pagpaparinig pa ni Elodie.
"Ikaw ba? Elodie! Saan ka magbabakasyon?!" tanong ko.
"Pupunta akong New york. Hahanap ako ng jowa doon," sabi naman nya.
Nagkwentuhan pa kami at maya maya ay natapos na kaming kumain, nagpaalam kaagad samin si Elodie at kami naman ay pumasok na sa last subject.
Lumabas ako ng room pagkatapos ng last subject. Pagod na pagod ako ngayong araw. Puro quiz kasi kami ngayon. Kaya naman pagod na pagod ang katawan ko, pati na rin ang utak ko.
Nagpaalam na samin si Freya, Pagkatapos, umuwi na rin kami ni Gabriel. Doon daw ulit ako matutulog sa condo nya. Dahil nagpaalam naman daw sya kila Mommy, Pumayag naman sila.
Pagkapasok namin sa condo. Nagpalit kaagad ako, Shirt at short na lang ang sinuot ko. Pagkalabas ko ng bathroom. Nakita ko si Gabriel sa kama na nanonood ng Netflix.
"Love!" lumapit ako sa kanya at yumakap habang nakaupo siya sa kama.
Inakbayan niya naman ako at inalok ng chips. He was watching SpongeBob. Kumuha ako ng chips at nanood na rin.
"Favorite mo ba si SpongeBob?" tanong ko.
"Mmm..."
"Weh? Talaga?!" gulat na tanong ko.
"Yes, love! Simula pa nung bata ako." sagot nya.
"Okay."
Nanood na lang ulit ako at tumahimik. Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng antok, pero sya ay tutok pa rin sa pinapanood.
Humikab ako kaya napatingin siya bigla sa 'kin. "Let's sleep?" Marahan niyang inalis ang buhok na humaharang sa mukha ko.
Pagkatango ko, pinatay na niya ang TV at pumasok sya sa bathroom saglit para mag-toothbrush, ako tapos na kaya humiga na lang ako sa kama at hinintay siya.
Pagkalabas niya, tumabi na siya sa 'kin at pinatay na niya ang ilaw. Yumakap sya sa 'kin at natulog na kami.
***
Kumunot ang noo ko. Bakit parang maalog ang hinihigaan ko? Parang umaandar.
"Kuya! I'm so gutom na po."
Naidilat ko ang aking mga mata. Hindi makapaniwalang inilibot ko ang aking paningin. Kaya pala maalog, hindi na pala higaan ang hinihigaan ko kundi sasakyan. What the fuck?! Bakit nasa sasakyan ako?! Tiningnan ko 'yong batang nakatingin sa akin ngayon. Eh? Ano'ng ginagawa ni Sofia dito?
"Kuya! Gising na po si Ate."
"Oh, you're awake, Love!" Gabriel said.
"Bakit ako nandito?" I said. Umayos ako ng upo.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romance(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...