Chapter 21

318 32 0
                                    

Busy ang lahat sa paghahanda para sa bonfire.

After a while, the bonfire started, of course there was food, there was more smores and then there were also blankets for when the night is getting dark.

"Good evening guys! Are you still okay?" Greetings to us Anne.

"Yes!" We all answer.

"Since we know all of you been tired before, of swimming, let's just chichill as we get to know each other better." Anne said.

"Sa tingin ninyo guys anong pwede nating gawin?" tanong ni Anne.

Agad namang nag suggest si Elodie.
"Alam ko na, suggestion lang naman pero pwede bang gawin natin yung isa-isa nating sasabihin yung mga problema natin sa mga buhay natin. Para makilala ko kayo ng lubusan."

Sinang-ayunan naman ni Anne
"Pwedeng-pwede."

"Dapat lahat magsasabi ng mga problema nila ah?" singit ni Angel.

"Hala paano yan baka umiyak kayong lahat, Hahahahaha." nakakatawang saad ni Josh.

"Ok lang yan tanggap ka pa rin naman namin," sabat naman ni Eunice.

"Who's first?" Angel asked.

"Ikaw na mauna josh," sabi ko.

"Luh? Bakit ako?" Reklamo nya

"Ikaw na kasi, Ang arte mo." natatawa kong saad.

"Oo na, ako na." pigil na inis na sagot nya.

"Ano ba problema ko?" tanong nya pa.

"Gago, ewan namin sayo." natatawang sabi ni Daniel.

"Hmmm... Isa lang naman problema ko yung sarili ko," mapait na sagot nya.

"Bakit naman sarili mo?" tanong bigla ni Eunice.

"Kasi, eh. Ewan ko ba? Umaasa pa rin ako sa taong hindi rin naman akong kayang mahalin... Hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit umaasa pa ako? kahit alam ko naman sa sarili kong hindi rin naman nya ako kayang mahalin dahil nga turing lang nya sa akin kaibigan lang nya." mapait na kwento nya at nahulaan ko agad kung sino yung tinutukoy nya.

"Ang hirap mag-mahal kung yung taong mahal na mahal mo sakit lang yung binibigay sayo." dagdag pa nya.

"Wow, grabe ka? Well we wish you the best Josh, sana mahalin ka rin ng babaeng minamahal mo." nakangiting saad ni Anne.

"Sino, next?" tanong ko.

"Ako na lang," biglang sabi ni Elodie.

"Ako naman problema ko ay ano kasi guys, yung parents ko laging nag-aaway kaya ayun yung problema ko. Ayun lang talaga," natatawang kwento ni Elodie.

Natawa naman kaming lahat sa kanya.

"Sino naman next?" tanong ni Eunice.

"Gawin na lang natin sunod-sunod, diba tapos na si Elodie? Eh, si Anne na sunod." sabi ni Angel.

"Sige," sagot naming lahat.

"Ako naman problema ko ay paano ako mag-cocollege. Kasi diba mahina na rin sila lola at lolo? Nakakahiya na rin kila Tita kung sila pa rin sasagot para sa pang-college ko. Kaya nga sa scholarship na lang ako umaasa para maliit lang yung babayaran nila sa tuition ko sa Ust." kwento nya.

"Pwede ka naman mag-part job ganun," sagot ni Angel.

"Oo nga, Baka ayun na lang gagawin ko." saad ni Anne.

THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)Where stories live. Discover now