"Ate Peachy! Nasa labas si Kuya Gabriel." sigaw ni Aizelle mula sa sala.
"Edi papasukin mo." sagot ko naman.
Nandito ako ngayon sa kusina at nag-aalmusal, kakagising ko lang kasi 10:00 am na ako nagising kaya ngayon pa lang ako nag-aalmusal.
Habang kumakain ako biglang pumasok si Aizelle kasama si Gabriel.
"Good morning, beautiful!" nakangiting bati ni Gabriel.
"Good morning din sayo!" Nakangiting bati ko.
"Umagang-umaga naglalandian kayo!" sabi ni Henry na kararating lang.
"Ang bitter mo naman Kuya Henry?" sagot naman ni Aizelle.
"Tama na nga yan! Kumain kana gab?" tanong ko.
"Oo! May dala pala ako para sayo." sabi nya.
"Ano?" tanong ko.
Inabot nya yung paper bag sa akin. kaya ito ay aking kinuha. Pagkatapos kong kunin tinignan ko yung laman.
"Hala! Favorite ko ito, Paano mo nalaman yung favorite ko?" Excited kong tanong.
"Tinanong ko kay Tita, Kaya nagpabake ako kay Mommy ng blueberry cheesecake para sayo." nakangiting sagot nya.
"Thank you gab!" nakangiti kong sabi.
"Sweet mo naman, Kuya Gabriel." sabi ni Aizelle.
Ngumiti lang si Gabriel, at ako naman ay dali dali kong nilabas yung blueberry cheesecake sa paper bag, pagkatapos kong buksan yung takip sinimulan ko na rin kumain.
Umupo si Gabriel sa tabi ko at nakatingin lang sya sa akin habang kumakain ako.
"Hello, hijo... Baka naman matunaw ang anak ko dahil sa titig mo?" pagbibiro ni Daddy na kararating lang.
Natauhan naman si Gabriel nun at yumuko ng kunti, Ako naman ay natawa kay Gabriel.
"Daddy naman! Wag po ninyo binibiro si Gabriel." natatawa kong sabi.
"Oo na anak!" natatawang sagot ni Daddy.
"Magandang umaga po, Tito." Bati ni Gabriel kay Daddy.
"Magandang umaga din sayo." bati naman ni Daddy.
"Uhm... Tito ipapaalam ko po sana sayo si Peachy, Kung pwede po ba sya sumama sa akin? Birthday po kasi ni Mommy eh." nahihiyang sabi nya.
"Sige, Pumapayag ako basta ingatan mo si Peachy." sagot ni Daddy.
"Opo tito! Thank you po."
"Gabriel! Mag aayos muna ako ah?" sabi ko.
"Sige Peachy!" sagot nito.
Kaya dali-dali akong umakyat sa kwarto ko at naligo agad ako.
"Anak! Bumaba ka na!" sigaw ni Mommy mula sa baba.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romantik(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...