"Anak, bilisan mo na. male-late kana!" sigaw bigla ni Mommy.
"Ito na po pababa na!" sigaw ko habang sinusuot yung bag ko sa likod.
Pag-baba ko nag paalam na kaagad ako sa kanya.
"Sige na po. ba-bye na see you later Mommy, love you!" paalam ko sabay halik sa pisngi niya.
"I love you too, anak! Ingat sa paglalakad, sige na, umalis kana." nakangiting sagot niya.
"Opo, ito na po aalis na."
Habang naglalakad ako may nakita akong isang babae na parang matutumba na sa harapan ko, nakahawak siya sa kanyang ulo na para bang nahihilo. Hindi ko makita ang kabuuan ng kanyang itsura dahil natatakpan iyon ng kanyang mahabang i-straight na buhok. Nakasuot siya ng isang pulang dress na hanggang tuhod niya. Kaya naman lumapit kaagad ako sa kanya.
"Ayos ka lang po ba, Miss?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Medyo nahihilo lang ako." sagot niya habang nakatingin sa akin. Sobrang putla na niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Dadalhin ko na ba siya sa ospital?
"May kasama ka po ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala, pero pwede mo ba ako ihatid dun?" sagot niya sabay turo sa isang restaurant na malapit sa kinatatayuan namin. Tumango lang ako at inalalayan ko siya papunta sa restaurant.
"Salamat, pwede bang dito ka muna saglit? May itetext lang ako para may sumundo sa akin." Pakiusap naman niya sa akin habang may tinetext sa kanyang cellphone, tumango naman ako.
"Thank you so much! What's your name nga pala? You're so mabait kasi! by the way, I'm Caliah! Caliah Cortez." nakangiting pagpapakilala niya sakin. Inilahad nya ang kanyang kamay sa harapan ko. Medyo naging okay na siya at hindi na maputla dahil nakainom na siya ng tubig.
"I'm Peachy Lynn Martinez." nakangiting sabi ko at nakipag-shake hands sa kanya. Napakalambot ng kanyang kamay? Mukhang anak mayaman! Nagulat ako ng bigla siyang tumawag ng waiter at umorder para sa aming dalawa. Sabi ko sa kanya huwag na dahil hindi naman ako magtatagal at hihintayin ko lang ang sundo niya. pero hindi siya pumayag itetreat daw niya ako dahil tinulungan ko daw kasi siya.
Tumingin ako sa aking relo at may 1 hour pa naman ako bago magsimula ang klase.
Nagkwentuhan lang kami at nalaman ko na kakauwi lang pala niya galing America at gusto niya kumain sa restaurant na ito. Hindi pa daw kasi siya kumakain kaya medyo nahihilo daw siya kanina.
"Omygod... Are you okay sissy?" Napatingin kaming dalawa sa babaeng kararating lang. Agad siyang napatingin sa akin at ngumiti. Napakaganda niya! Para siyang model!
"Hey, i'm fine! Peachy this is Elodie." nakangiting pagpapakilala ni Caliah. Ngumiti lang ako at nagpaalam na kaagad dahil late na pala ako.
"Uh... Caliah... Alis na ako, may klase pa pala ako." nahihiya kong sabi.
"Ah, ganun ba! Peachy? Oh right thank you so much ulit sa pagtulong mo kanina!" nakangiting sabi niya. Ang ganda talaga niya!
"Ah, wala yun! Sige una na ako thank you sa libre mo." sagot ko.
"Ingat ka, thank you again!"
Umalis na kaagad ako sa harapan nila. Naglalakad na ako ngayon papasok sa gate at muntik na ako madapa sa kakamadali ko. Pumunta na kaagad ako sa classroom.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
"Yes?" tanong nito.
"Excuse me po, Ma'am. i'm sorry, i'm late!" sabi ko.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romance(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...