Chapter 31

427 28 0
                                    

"Bakit ba ako pinapatawag ngayon ni Boss? Bakit?!"

Nagrereklamo ako sa tapat ng salamin habang naglalagay ng makeup. Nakabihis na rin ako ng grey tank top, black na blazer, at light blue jeans. Dinala ko rin ang laptop ko.

Hindi ko nga alam kung bakit ako pinapatawag eh. Ang sabi niya ay mahalaga daw ang sasabihin niya sa 'kin.

"Sana wala siya roon..." paulit-ulit na bulong ko sa sarili ko habang nagda-drive papunta sa office. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ngayon si Gabriel pagkatapos naming mag-away roon sa cebu.

Pagkababa ko ng sasakyan pumasok kaagad ako sa loob ng company.

"Good afternoon po, Ma'am." bati sa 'kin ng guard pagkapasok ko ng lobby.

Ngumiti lang ako sa kanya at pumunta na sa elevator. Pumasok na kaagad ako at pinindot ang 10th. Maya maya pa ay bumukas na ang elevator kaya lumabas na ako at pumunta na sa office ni Boss.

Kakatok na sana ako sa office ni Boss subalit nakita kong paparating na ang assistant niya para samahan ako papasok sa office. Pumasok na kami sa loob.

"May meeting lang po si Boss, paki-hintay nalang po siya rito." sabi niya sa akin. "Gusto n'yo po ng juice? Coffee?"

"Ah, tubig na lang," sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya at iniwan ako saglit sa loob. Nakaupo ako sa may sofa habang naghihintay. Nang wala pang pumapasok ay nilabas ko na lang ang laptop ko para tignan ang mga nag-email sa 'kin sa France.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang bumukas ang pinto at pumasok ang assistant ni Boss. Gusto ko sana siyang tanungin kung nariyan ba si Gabriel kaso baka isipin naman niya ay may gusto ako kay Gabriel! Kaya naman hindi ko na lang siya tinanong dahil nahihiya rin ako.

"Salamat," sabi ko sa kanya pagkakuha ko ng water bottle. Ngumiti lang siya at nagpaalam na ulit palabas dahil kailangan siya roon sa meeting ni Boss.

Bumalik na lang ulit ako sa pagbabasa ng mga email. Napatigil ulit ako nang bumukas ang pinto at nagulat ako nang pumasok si Gabriel.

"Ah, ikaw pala? What are you doing here?!" seryosong tanong niya.

"A-Ahh... pinatawag kasi ako ng Daddy mo," sagot ko at tumango lang siya. Napaiwas kaagad ako ng tingin sa kanya habang lumalapit siya sa table ng Daddy niya. Bumalik na lang ulit ako sa ginagawa ko.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang makitang nakatingin na siya sa 'kin habang naka-upo sa upuan.

"Why?!" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Ang ganda mo," nakangising sabi niya. Napaiwas naman kaagad ako ng tingin at tumingin kaagad ako sa laptop ko.

"Thanks," sabi ko habang nakatingin lang sa laptop ko.

Hindi naman nagtagal at dumating na rin si Boss sa office niya. Hindi naman siya nagulat nang makita kami roon at dere-deretso lang umupo sa may swivel chair. Tumayo naman ako para lumapit sa kanya at para din itanong kung bakit niya ako pinatawag.

"Bakit n'yo po ako pinatawag, Sir?" tanong ko habang nakaupo sa harapan ni Gabriel.

"Itatanong ko lang sana sa 'yo kung na enjoy ba kayong dalawa sa cebu?" sagot niya.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang sabihin niya 'yon. Akala ko may ipapagawa na naman siya sa 'kin kaya niya ako pinapunta sa office niya.

"Okay naman po, masaya..." nakangiting sagot ko.

"Mabuti naman," nakangiting tugon niya. Nagkatinginan na naman kami ni Gabriel pero agad din siyang umiwas at tumingin sa Daddy nya.

"What are you doing here, son?!" tanong ni Sir kay Gabriel. Natahimik tuloy ako habang pinapakinggan silang mag-usap.

THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)Where stories live. Discover now