Chapter 7

703 45 0
                                    

PEACHY'S POV

Kinabukasan nagising ako sa lakas ng alarm ko kaya tumayo na ako. Inayos ko muna yung higaan bago ako bumaba. Pagkatapos noon bumaba na rin ako para mag breakfast. Pagbaba ko si Mommy at Lola lang ang nasa kusina.

"Good morning, Mommy and Lola." masayang bati ko.

"Good morning din, anak. Kain kana may pasok kapa," sagot ni Mommy.

"Good morning din, apo." bati ni Lola.

"Opo. Mommy kakain na po," sagot ko.

Kaya umupo na ako sa mesa at kumuha na ako ng ulam. At nagsimula na rin ako kumain, habang kumakain ako tinanong ko si Mommy at Lola.

"Mommy, Hindi pa ba gising sila Francis?" tanong ko.

"Hindi pa anak! Mamaya pa yun gigising." sagot ni Mommy at bumaling naman ako kay Lola.

"Lola, Hanggang kailan po kayo dito?" tanong ko.

"Dalawang buwan kami dito, Apo bakit mo naitanong?" tanong nya.

"Wala lang po Lola! tinanong ko lang po, Kasi diba lola? Malapit na rin yung birtday ni Mommy." sabi ko.

"Oo nga apo, Anong oras pala uwi mo mamaya?" tanong nya.

"Hindi ko pa po alam lola e, May gagawin pa po kasi kaming report." sagot ko.

"Ah ganun ba? Oh sya kumain kana ulit baka malate ka," aniya.

"Sige po,"

Kaya kumain na ulit ako. Pagkatapos ko kumain nagpaalam na kaagad ako kay Mommy at Lola.

"Mommy, Lola akyat na po ako sa taas." sabi ko.

"Sige, anak." sagot nila.

Umakyat na kaagad ako para maligo. Pagkatapos, maligo nagbihis na rin kaagad ako at kinuha ko na ang bag ko. Then, bumaba na rin ako

"Mommy, Lola Pasok na po ako!" paalam ko.

"Sige anak, Ingat ka." sabi ni Mommy.

"Ingat apo," sabi ni Lola.

Pagkatapos ko mag-paalam lumabas na rin ako ng bahay.

Habang naglalakad ako nagchat sa gc sila freya at Anne. Oo may gc na kaming tatlo gumawa kasi si freya kahapon ewan ko ba dun.

Trio <3

FreyaCuerva: Peachy hintayin ka namin sa school ni Anne!

AnneDelacruz: Oo nga Peachy san ka na ba?

PeachyMartinez: Sige malapit na rin ako.

FreyaCuerva: Sige.

Hindi na ako nagreply pa sa kanila.

After 1 hour na byahe sa wakas nakarating na rin ako sa ust. Napakatraffic kainis! Hinanap ko kaagad si freya at Anne inikot ko ang mga mata ko at sa hindi kalayuan nakita ko na rin sila na kumakaway sa akin at agad ko naman silang pinuntahan.

"Hi, Bes, na miss kita." bungad ni Anne at saka ako niyakap.

"Lola mo miss tigilan moko. Anne, ah," Pabiro kong sabi at saka kami tumawa.

"Tara sa Canteen libre ko!" Pag aaya ni freya kaya agad naman kaming Lumakad papunta ng canteen pero habang naglalakad kami biglang may nag approach samin na lalaki matangkad siya at maputi.

"Hi miss! Can I ask kung saan to?" sabi nung lalaki saka sya may pinakita na papel na nakasulat yung number ng room At floor, tanong kay Anne.

"Ah, Dito sa building na 'to this floor din, Mula dito sa kinatatayuan natin.  Mag bilang ka ng 4 na room at ayun na yung classroom na tinutukoy dito sa papel." Sagot ni Anne saka ngumiti.

THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)Where stories live. Discover now