"Ate... Sigurado kana ba talaga? Babalik kana?"
Tumango lang ako sa kaniya habang nag-iimpake ng gamit ko. Nakaupo si Abigael sa kama ko, habang ako ay nakaupo sa lapag para mag-ayos ng mga dadalhin ko. Naluluha na lang ako pag-naiisip ko na iiwanan ko na naman sila. Ayoko mang gawin 'to pero kailangan para din naman sa kanila 'tong ginagawa ko. Kahit masakit man na iwanan sila basta lang mabigyan ko sila ng magandang buhay... Titiisin ko ang lahat para sa kanila. Ganun ko sila kamahal kahit wala man matira sa sarili ko basta ang mahalaga maayos sila.
"Ate, thank you talaga sa lahat." Niyakap ako bigla ni Angel. Napangiti naman ako ng tipid at niyakap rin siya pabalik.
"Angel, Abigael, magpapakabait kayo kila Mommy at Daddy, ah? Wag na wag kayong magpapasaway sa kanila." seryosong bilin ko sa kanilang dalawa.
"Opo, ate," sagot nilang dalawa.
Tinulungan nila ako sa pag-iimpake ng mga dadalhin kong mga gamit. Mamayang gabi na ang flight ko pabalik sa France, hindi ko pa nasasabi kay Gabriel na mamayang gabi ang flight ko. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya dahil ayokong makitang umiiyak siya dahil baka hindi ako matuloy sa flight ko. Gusto sana ako ihatid nila Freya pero tumanggi ako sa kanila dahil ayokong makita nilang umiiyak ako. Nanghihina ako pag nakikitang umiiyak ang mga mahal ko sa buhay nang dahil sa akin.
Pagkatapos namin mag-impake ng gamit ko, bumaba na rin sila Abigael dahil tutulungan pa daw nila si Mommy sa kusina, may hinanda kasi si Mommy nagbake siya ng cake at nagluto rin ng konti para mamaya. Nilagay ko muna ang isang maleta ko sa gilid ng study table ko. Isa lang ang dinala kong maleta dahil konti lang naman ang dinala kong damit noong umuwi ako rito sa pilipinas, halos lahat ng gamit ko ay nasa France hindi ko dinala yung iba rito sa pilipinas dahil alam ko rin na babalik pa ako ng France. Pagkatapos kong ilagay ang maleta sa gilid, naligo na rin kaagad ako. Pagkatapos kong maligo, nagsuot lang ako ng white t-shirt at denim shorts dahil mamaya pa naman ang alis ko.
"Ate, kakain na!" sigaw ni Angel habang kumakatok.
"Sige, patapos na ako." sagot ko naman. Binilisan ko na ang pag-aayos sa sarili ko at nag-spray muna ako ng perfume bago ako lumabas ng kwarto.
Pagkababa ko ng hagdan nagtataka ako dahil patay ang ilaw sa sala at wala din akong marinig na kahit anong tunog. Napakatahimik ng paligid.
"Angel? Mommy?" Pagtawag ko sa pangalan nila habang naglalakad papuntang kusina, pero walang sumasagot. Madilim rin sa kusina.
Kaya naman pumasok pa rin ako sa kusina kahit napakadilim, pagpasok ko pumunta kaagad ako sa bukasan ng ilaw pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako ng bigla na lang bumukas ang ilaw sa kusina.
"Surprise!"
Nanlaki ang mga mata ko nang sabay sabay silang sumigaw at nag paputok ng party popper. Anong ginagawa ng mga kaibigan ko rito?
"Lynnnn!!" nagulat ako nung biglang sumigaw si Anne at tumakbo papunta sa akin, para yakapin ako.
"Anong ginagawa n'yo rito?" gulat na gulat na tanong ko sa kanilang lahat.
"Syempe, hindi kami papayag na hindi ka namin makita sa huling pagkakataon. Mamaya na kaya ang alis mo," sagot naman ni Freya.
"That's true, hindi kami papayag na hindi ka namin makikita ngayong araw." singit naman ni Eunice.
"We have a surprise for you." nakangiting sabi ni Elodie. Ngumiti naman ako sa kaniya.
Habang nakatingin ako sa kanilang lahat, nagtataka ako dahil hindi nila kasama si Angel, Daniel, at si Josh.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romance(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...