"Love, kumusta ang exams? Nasagutan mo ba ng maayos?"
Umupo ako sa tabi ni Gabriel sa kama. Nandito ako ngayon sa Condo nya at kakatapos lang namin mag exams. Sinusulit na namin ang natitirang araw at buwan bago kami pumasok sa college. Sa mga nakaraang buwan ay nagcelebrate kami ng first anniversary namin sa palawan at masasabi kong na-eenjoy ko naman ang bakasyon namin.
"Okay lang, ikaw ba?" tanong ko habang kumakain ng popcorn. Nanonood kami ng Spongebob.
"Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi sa kaka-review, tapos ang ingay pa ng kapitbahay namin. May birthday kasi sa kanila, e." pagkekwento ko sa kaniya.
"Sana love, mag-kaklase tayo sa college." sabi nya habang hinahaplos ang pisngi ko.
"Anong course mo pala?" tanong ko.
"Accountancy, Ikaw ba love?" sabi nya.
"Accountancy din," sagot ko.
He laughed and shook his head. "Sabi sa'yo, e."
"Huh?!"
"Sabi sa'yo, Meant to be talaga tayo." he said.
Hindi lang kami pareho ng University, pati na rin course! Excited na akong pumasok.
Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Hindi ko halos napansin iyon dahil puro gala at date ang ginawa namin ni Gabriel sa buong bakasyon. Sinulit talaga namin ang bakasyon naming dalawa.
Bukas na pala ang unang klase namin sa University Santo Tomas. Excited na kaming pumasok sa kolehiyo.
Accountancy din ang kurso ni Gabriel kaya pareho kami sa lahat ng school requirements. Nakausap ko nga rin si Freya no'ng nakaraan lang Business Management naman ang kurso niya. Hindi ko natanong kung ano ang kurso nina Anne at Elodie. pero sabi nila magkita-kita na lang kami 'pag vacant time naming lahat.
"Love, Kinakabahan ako," sabi ko kay Gabriel. Nasa kotse na kami ngayon at bumabyahe papunta sa UST.
"Kasama mo ako, Love. 'Wag ka nang kabahan, okay?" Hinawakan niya ang isa kong kamay.
Pagdating namin sa university. I was stunned once again. Ang ganda talaga rito sa UST.
"Ang ganda mo ngayon, Love, sa uniporme mo." Nakangiting sabi niya.
"Thanks, Ang pogi mo din sa uniporme mo."
"Tara na nga, Penguin." aniya sabay takbo.
"Hoy! Hindi ako Penguin!" giit ko at hinabol siya. Kainis!
Huminto ako nang makaramdam ng hingal. Ang layo na ni Gabriel! I was chasing my breath nang mapalingon ako sa may hagdanan.
"Theo?"
Napahawak ako sa dibdib ko. Parang nakita ko si Theo. Pero imposible.
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Gabriel. "Love, nandito ka lang pala. Nag-alala tuloy ako. Pagtingin ko sa likod ko wala ka na. Is everything okay love?" Tumango lamang ako.
"Let's go, pumasok na tayo..." sabi ko.
Binalewala ko na lang ang nakita ko. Guni-guni ko lang siguro 'yon.
Pumunta na kami sa classroom namin. Pagpasok doon naabutan naming madami na ang estudyante. Naghanap agad kami ng bakanteng upuan para makaupo na kami.
Sa bandang unahan kami umupo ni Gabriel. Saglit lang at dumating na rin 'yong Professor namin. Nagpakilala siyang si Ms. Diane.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romance(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...