Chapter 29

434 29 0
                                    

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi. "Ayos naman ako... Ikaw ba?"

"Ayos na ayos naman masaya, mukhang mas masaya pa kaysa sayo," diretsong sabi niya.

Nagulat ako sa tono niya, hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Diba third anniversary ninyo ni Gabriel ngayon?!" nakangiting sabi niya at nagulat naman ako. Paano niya nalaman na ngayon yung anniversary namin?

"Ah oo," pilit na ngiting sagot ko.

"Ah sige, bye na una na ako." paalam niya at tumango naman ako.

Pagkatapos kong mamili ng mga snacks at ng mga kailangan ko para sa lulutuin ko mamaya, Pumunta ako sa red ribbon para bumili ng cake. Ang pinili ko ay chocolate cake at ang nakasulat dun ay happy 3rd anniversary my love.

Mabilis akong umalis doon, pagdating ko sa bahay ay hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Nakatulog ako kakatingin sa oras, nang magising ako ay pagabi na.

Alas-sais na pero wala pa rin siya kaya tinext ko na lang siya.

To: Love
Happy 3rd anniversary my love, magluluto ako, uwi ka maaga. sabay tayong mag-dinner. I miss you and I love you.

Maya maya ay nagreply na siya.

From: Love
Love huwag ka na magluto, may i-send ako sayong adress. Dito na lang tayo mag-dinner. Happy 3rd anniversary, I love you and I miss you baby.

Napangiti ako nang mabasa ang text niya, ang sunod niyang text ay address ng isang hotel.

Mabilis akong naligo, hindi ko alam kung gaano ako katagal naligo, Hindi mawala ang ngisi sa aking mga labi habang naliligo ako.

Inilatag ko sa kama ang dalawang damit na pwede kong suotin, ang napili ko ay isang simpleng red satin dress and black sandals.

Naglagay ako ng light make-up sa aking mukha, Pinusod ko rin ang buhok ko para hindi naka-kalat sa mukha ko.

Masayang umalis ako sa condo, sinigurado kong naka-lock ang pinto. Nang makarating ako sa labas ay sumakay agad ako sa Taxi at sinabi sa driver kung saan niya ako dadalhin.

Pagkalipas ng 30 minuto ay nakarating na nga kami ni Kuya driver sa lugar kung saan kami magkikita ni Gabriel. Binayaran ko na siya at pagkatapos non ay lumabas na ako ng taxi.

Mabilis akong pumasok sa hotel, sinabi ko sa babae sa front desk kung saan ako, mukhang nilista nga ni Gabriel ang pangalan ko dahil binigyan kaagad ako ng babae ng susi ng kwarto.

Habang nilalakad ko ang papuntang elevator ay hindi ko mapigilan ang aking katawan na makaramdam ng kaba sapagkat nararamdaman kong may masamang mangyayari sa akin.

Nang makarating na ako sa floor ay kaagad kong hinanap ang kwarto namin. Pumasok na ako sa kwarto. Pero wala si Gabriel.

Nasaan kaya yun?

Napakadilim ang sala ng kwarto, kumunot ang noo ko nang may marinig na mahihinang ungol. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa nakabukas na pintuan, kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Habang papalit ako ay mas lalong lumalakas, mas lalo akong nasasaktan.

Nanginginig ang kamay ko na binuksan ang pintuan, agad akong napaluha sa nakita ko.

Kinapa ko ang ilaw sa gilid at nang makita ang switch ay agad ko yun binuksan.

Nang magliwanag ang kabuuan ng kwarto ay doon kitang-kita ko ang kawalanghiyaang ginagawa nila.

Gabriel was lying down in the bed, Cassandra was kneeling in front him.

THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)Where stories live. Discover now