"Madame, la réunion est prête!"
Napahinto ako sa pagbabasa ng mga papeles nang biglang pumasok ang secretary ko. 6 months na ang nakakalipas nang makabalik na ako rito sa France. Napakabilis ng araw!
"Ok, je serai le prochain." sagot ko sa kaniya. May meeting pala kami ngayon sa isang mayamang business man rito sa France.
Lumabas na rin kaagad ang secretary ko, nagmake up muna ako ng konti at inayos ang sarili ko bago lumabas ng opisina.
"Madame, c'est le contrat que vous me demandez d'obtenir!" sabi niya sabay abot ng kontrata sa akin habang naglalakad kami papasok sa conference room.
Kinuha ko naman kaagad 'yon at pumasok na kaagad kami sa loob para masimulan na ang meeting with Mr. Durand.
"Bon après-midi, madame!" bati nilang lahat pagkapasok namin ng secretary ko sa loob.
Ngumiti naman ako sa kanila at dumiretso na sa upuan ko na nasa gitna para simulan na ang meeting.
"Let's start the meeting." sabi ko. Nakakaintindi naman si Mr. Durand ng English.
Pinaliwanag ko lang kay Mr. Durand ang kagandahan ng company namin pagsa amin siya magsisign ng kontrata. May gusto kasi siyang ipatayo na business pero kailangan niya ng business partner.
"Thank you, Mr. Durand!" nakangiting sabi ko pagkatapos niyang pirmahan ang kontrata. Tumayo kaagad ako at kinamayan siya. Tumayo rin siya at inilahad ang kamay sa akin.
Pagkalabas niya ng conference room, lumabas na rin ang lahat. Gabi na rin kasi natapos ang meeting. Ako na lang ang naiwan sa loob kaya naman kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng conference room para makauwi na. Sumakay na ako sa elevator at pumunta na sa parking lot.
Kasalukuyan nandito na ako sa bahay, kakauwi ko lang din. Dumiretso kaagad ako sa kwarto ko para makapagpahinga na. Naligo lang ako at nagbihis bago umupo sa kama.
Kinuha ko ang phone ko sa bag na nasa gilid ng kama para tawagan sila Mommy.
"Hello, Mommy, Kamusta na po kayo dyan?" tanong ko pagkasagot ni Mommy ng tawag.
"Mabuti naman, miss kana namin, anak." malungkot na sagot ni Mommy.
"Miss ko na rin po kayo," mahinang sambit ko at pinipigilan na wag umiyak.
"Kumakain kaba sa tamang oras, lynn?" seryosong tanong ni Mommy.
"Opo naman," pagsisinungaling ko. Minsan kasi nakakalimutan kong kumain dahil sa daming trabaho na kailangan asikasuhin.
"Siguraduhin mo lang na kumakain ka talaga sa tamang oras!" pagsesermon ni Mommy at natawa naman ako.
"Wag kang tumawa jan, mababatukan talaga kitang bata ka!" sermon pa ni Mommy.
"Opo, Mommy, hindi na po." pigil na tawang sagot ko.
"Oh, sya, magpahinga kana! Alam kong pagod ka sa trabaho mo." sabi ni Mommy.
"Sige po magpapahinga na po ako." nakangiting sagot ko.
"Sige, anak, mag-iingat ka palagi dyan." sabi niya.
"Opo, kayo rin po, mommy!" sagot ko naman.
Pinatay na kaagad ni Mommy ang tawag kaya naman nilagay kona ang phone ko sa ibabaw ng table na nasa gilid ng kama ko. Humiga na ako at natulog.
Kinabukasan, maaga akong gumising para pumasok sa trabaho. Hindi na ako nag-almusal dahil sa office na lang ako kakain. Pagkarating ko sa opisina dumiretso kaagad ako sa upuan ko at sinimulan na ang trabaho.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romance(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...