Kain, tulog, ang naging routine ko sa araw araw, tulad ngayon nakahiga lang ako sa kama at nanonood ng movie sa netflix.
Nakakapagod pala maging tambay! Kala ko masarap maging tambay! Hindi pala! Bored na bored na ako sa buhay ko! Wala naman kasi akong trabahong gagawin.
Nagsasawa na ako sa kababasa ng mga bagong email!
"Ate, may bisita ka!" may biglang kumatok sa pinto ko. Boses 'yon ng kapatid ko.
"Sino?" sigaw ko kay Angel.
"Manliligaw mo." sagot naman niya.
Ginagawa niya rito? Wala ata siyang magawa sa buhay niya.
"Papasukin mo," sabi ko habang nakatingin sa t.v. nakaupo ako ngayon sa kama ko habang nanonood ng kdrama.
Sa kalagitnaan ng panonood ko pumasok si Gabriel. Napalingon naman ako sa kanya, ang suot niya ay black polo shirt with khaki pants at naka white shoes sya.
"Ginagawa mo dito?" tanong ko kaagad sa kaniya.
"Wala, binibisita ka," sagot niya at umupo pa talaga sa tabi ko.
"Wala ka bang gagawin? Or work?!" tanong ko.
"Wala. Nabobored ako sa bahay kaya pumunta ako rito," sambit niya.
"Pareho tayo," natatawa kong sagot. Bored na rin ako sa buhay ko, kulang na nga lang mabaliw na ako rito sa kwarto ko.
"Wala ka bang gagawin today?" seryosong tanong niya.
"Marami, tulad nang magbasa ng mga email, pumunta sa office ng Daddy mo para kunin yung mga papeles na pinapakuha sa akin ni Tita. Pero tinatamad akong kunin, eh." natatawa kong sagot.
"May gusto ka bang puntahan?" tanong niya pa habang nakatingin sa akin.
"Uhm... Wala naman, pero parang gusto kong lumabas. nakakabaliw na kasi rito sa kwarto." sabi ko.
"Gusto mo bang pumunta sa school natin dati?" tanong niya. Nag-isip pa muna ako bago sumagot sa kanya.
Pwede naman kaming pumunta roon dahil siya naman ang anak ng may ari ng school na 'yon. Nakakaboring din sa bahay kung nandito lang kami.
"Sige, pero hindi pa ako naliligo." sabi ko. "Maliligo muna ako."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil dali-dali na akong pumasok sa c.r para makaligo.
Hindi ko na tinagalan ang pagligo dahil nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya.
Kamalas malasan naman nang matapos akong maligo, nakalimutan ko yung tuwalya ko sa labas. Kaya naman kahit hiyang-hiya na ako, pumunta pa rin ako sa pinto para tawagin si Gabriel.
"Hoy, Gabriel!" binuksan ko ng kaunti yung pinto para masilip kung nandoon pa rin ba siya sa kama ko.
"Bakit, Peachy?" tanong niya pagkalapit sa pinto.
"Pwede bang pakikuha ng tuwalya ko? Na kalimutan ko kasi, eh?" nahihiya kong sabi at tumango naman siya.
Hinintay ko siyang bumalik.
"Hoy, hoy! Huwag kang titingin, ah? Pumikit ka!" bilin ko. "Kung hindi may kotong ka talaga sa akin."
"Hindi po ako titingin. Promise," rinig ko habang naghahanap siya ng tuwalya sa kabinet ko.
Buti naman pagkabigay niya sa akin ng tuwalya nakapikit talaga siya at nakatalikod pa habang binibigay sa akin 'yon.
"Thank you, masunurin ka talaga." natatawa kong sabi at sinarado kaagad yung pinto.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romance(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...