"Ate, May boyfriend ka na ba?"
Tanong ni Abigael sa akin. Narito siya sa kwarto ko habang nag dadrawing sa kanyang drawing tablet. Kakauwi lang rin nila nung nakaraan. Hindi ko rin makalimutan noong nakasakit ako at inalagaan ako ni Gabriel.
"Wala bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Kanina ka pa kasi nakangiti sa cellphone mo, eh, sino ba kausap mo?" nagtatakang tanong niya sa akin.
Napansin pala ng kapatid ko nakangiti ako habang nakatingin sa cellphone ko. Kausap ko kasi si Gabriel. Nagtetext kasi siya ng kung ano ano kaya hindi ko rin mapigilan na hindi magreply. Kinwento lang niya kung ano ano mga ginagawa niya kapag may pasok siya. Tulad ng napagalitan daw siya ng Daddy niya kasi natapon daw niya yung hawak niyang coffee sa damit ng Daddy niya, Muntik na raw siyang madapa sa parking lot kasi katext daw niya ako, Hinabol din daw siya ng aso kasi may hawak siyang tinapay sa kamay.
"Wala yun! Si Anne kachat ko!" pagsisinungaling ko. Tumango naman siya. Tinago ko na lang ang phone ko at binuksan ang T.V para manood.
Huminto rin ang kapatid ko sa pagdadrawing at nanood rin sa pinapanood kong comedy movie.
Habang nanonood kami bigla naman nagvibrated ang phone ko. Kaya naman tinignan ko ito.
From: Gabriel
Anong ginagawa mo ngayon?
Nang mabasa ko yun kaagad naman akong nagreply sa kanya.
To: Gabriel
Nanonood ng comedy movie kasama si Abigael
From: Gabriel
Are you busy tomorrow? Will you be doing something tomorrow?
To: Gabriel
Hindi naman ako busy bukas at wala rin akong gagawin. Bakit?
From: Gabriel
Yayayain sana kita bukas na pumunta sa Baguio. if you're not busy tomorrow.
To: Gabriel
Aber! Ano naman gagawin natin doon?
From: Gabriel
Mag eenjoy
Iyon lang ang reply niya hindi na ako nagreply at tinago ko na ulit ang phone ko. Bumalik na rin ako sa panonood. Pero ilang minuto lang rin ay nag-vibrated ulit ang phone ko. Kinuha ko naman agad ang phone ko at binasa ito.
From: Gabriel
Ano? Sasama ka na, ah? Susunduin kita sainyo.
To: Gabriel
K
Ayun lang ang sinagot ko at nanood na ulit. Nang matapos ang movie lumabas na rin si Abigael sa kwarto ko. Pumunta naman ako sa C.R para maghilamos at nagtoothbrush. Pagkatapos noon, humiga na ako sa kama at natulog.
Nang magising ako, napatingin kaagad ako sa orasan, ala una na ng tanghali. Ilang mura ang kumawala sa aking bibig at halos malaglag pa ako sa kama. May usapan pala kami ni Gabriel susunduin niya ako.
Dali dali naman akong pumasok sa C.R para maligo. Pagkatapos kong maligo nagsuot lang ako ng white t-shirt at white jeans Nagsuot na rin ako ng cropped denim jacket at white shoes. Pagkatapos kong maglagay ng mga damit sa maleta ko. Bumaba na rin ako habang hawak hawak ang maleta ko. Konti lang ang dinala kong damit.
Pagkababa ko sa sala naroon na si Gabriel kausap si Mommy at Daddy.
"Good afternoon," bati ko sa kanila pagkarating ko sa sala. Napatingin naman sila sa akin.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Roman d'amour(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...