Chapter 39

583 26 3
                                    

"Ate... Thank you sa lahat..."

Mahinang sabi ni Abigael. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik at nagulat ako nang bigla siyang umiyak. Ang sakit sakit na makitang umiiyak ang mga kapatid mo dahil sayo...

"Ate... Pag hindi mona talaga kaya. Magsabi ka lang sa akin, dadamayan kita..." sabi naman ni Angel at napatingin naman ako sa kaniya. Umiiyak rin siya.

"Thank you." Ngumiti ako sa kaniya. Bumitaw na sa pagkakayakap si Abigael at pinunasan ko naman ang mga luha niya. "Wag ka nang umiyak... Maiiyak nito si ate,"

"Mamimiss ka namin, ate," sagot ni Abigael. "Pag nakapag ipon na ako, ate, pupuntahan kita roon."

Kinagabihan kila Mommy at Daddy naman ako nagpaalam. Naabutan ko sila Mommy at Daddy na nanonood sa sala. Umupo ako sa tabi nila at niyakap sila. Nagulat naman silang dalawa.

"Anak, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Daddy at niyakap rin ako pabalik.

Ngumiti ako sa kaniya at umiling. "Wala po, mamimiss ko po kayo Daddy at Mommy..." malungkot na sabi ko.

Napangunot naman ang noo nila sa sinabi ko. Napabuntong hininga pa muna ako bago ko tinuloy yung sasabihin ko.

"Mommy, Daddy, babalik na po ako sa France..." Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pagpatak ng luha ko at saka ko tinuloy yong sasabihin ko. "Sa Friday na po ang flight ko,"

Napatingin ako kay Mommy na napapaluha na dahil sa sinabi ko. Ang sakit kapag nakikita mo yung mga magulang mong umiiyak dahil sayo. Ayoko naman talagang umalis pero kailangan kong gawin ito para mabigyan sila ng magandang buhay.

"Anak, basta mag-iingat ka roon, ah? Huwag na huwag mong papabayaan ang sarili mo... Kapag kailangan mo ng kausap nandito lang kami ng Mommy mo para damayan ka." seryosong sabi ni Daddy at napatingin ako sa taas para pigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Opo, Daddy," Iyon na lang ang nasabi ko bago ko niyakap si Daddy.

"Lynn... Anak... Patawad dahil nang dahil sa akin nararanasan mo ang mga bagay na 'yan..." Napakagat ako sa labi nang marinig ang sinabi niya. "Anak... Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa amin ng Mommy mo at sa mga kapatid mo... Tandaan mo mahal na mahal kita. Hindi ko man ito nasasabi sayo pero tandaan mo proud na proud ako sayo, Peachy..."

Hindi kona napigilan ang sarili kong mapaluha dahil sa sinabi ni Daddy.

"D-daddy, wag po kayong humingi ng tawad sa akin dahil lahat po ginagawa niyo para mabigyan lang kami ng magandang buhay. Hindi ka nagkulang sa amin, lahat binibigay mo sa amin kahit alam kong nahihirapan kana sa pagtatrabaho araw araw... Mahal ko kayo at lahat gagawin ko... Tandaan mo, Daddy. You're the best Daddy in the world... Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na pumili ng pamilya, kayo at kayo parin ang pamilyang pipiliin ko."

"Anak, salamat..." naluluhang sabi ni Daddy. Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Salamat din sa lahat, Daddy, sa mga panahon na ginagawa mo ang lahat para sa amin..."

Ngumiti lang si Daddy at Mommy sa akin. Nagpaalam na rin kaagad ako na aakyat na para makapagpahinga.

Pagkapasok ko sa kwarto dumiretso kaagad ako sa kama para humiga. Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip ang mga mangyayari bukas. Sa isang tao na lang ako hindi pa nagpapaalam. Alam kong masasaktan ko siya pero kailangan kong gawin 'to... Kailangan kong magpaalam sa kaniya kahit masakit at mahirap...

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at tumayo para kunin sa study table ko ang phone ko para ichat si Gabriel. Kailangan kong gawin 'to hindi lang sa sarili ko kundi para rin sa aming dalawa.

THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)Where stories live. Discover now