AIZELLE'S POV
Kasalukuyan nandito kami ngayon ng mga pinsan kong babae sa kwarto ni ate Peachy at masama daw pakiramdam nya kaya hindi kami nag-ingay ng mga pinsan ko.
Nakaupo ako sa study table ni ate Peachy habang nagscroll ako sa ig biglang may nagchat, kaya tinignan ko kung sino at si Kuya Gabriel lang pala.
Gabrielkyle: Hi Aizelle! itatanong ko lang kung kumusta si Peachy?
AizelleMartinez: Okay naman sya Kuya Gabriel tulog sya ngayon eh.
Gabrielkyle: Ha! Ganun ba sige thank you.
Hindi na ako nagreply pa sa chat nya at bagay na bagay talaga si Ate Peachy at Kuya Gabriel, kaysa dun sa Lance na yun.
Pagkatapos kong maka-usap si Kuya Gabriel bumaba na kami nila Kath dahil kakain na daw sabi ni Kuya francis.
Nandito na kami sa kusina at umupo na kami ni Kath sa pwesto namin, pagkatapos kumuha na ako ng kanin at ulam, nagsimula na rin akong kumain.
Habang kumakain ako biglang nagtanong si Tita Patricia.
"Aizelle! Kumusta si Peachy sa kwarto nya?" tanong nito.
"Okay naman sya Tita, at tulog po sya." sagot ko.
"Ha! Ganun ba, Sige basta tignan ninyo sya baka mainit sya." sabi nya.
"Opo, tita titignan po namin mamaya kung mainit po ba si ate Peachy." sagot ni Kath.
Hindi na nagsalita pa si Tita kaya tinuloy kona ulit yung kinakain ko.
Maya maya natapos na kami kumain kaya tumayo na sila Tita at Mommy, at kami nila Kath kasama ang mga boys ang magliligpit ng mga plato at maglilinis ng lamesa.
"Hoy! Kuya francis tumulong ka naman, hindi yung nakatayo ka lang jan." inis na sabi ko.
"Kaya na ninyo yan," sagot naman nya.
"Hindi namin kaya, Tulungan mo si Kath dun maghugas ng plato." inis na sabi ko.
"Oo na! ito na tutulong na." inis na sagot nya.
Hindi kona sya pinansin pa at tinuloy ko na lang yung pagpupunas sa lamesa.
Nang natapos na kami sa mga gawain namin kaagad naman kaming umakyat sa kwarto para tignan kung anong kalagayan ni Ate Peachy.
Nandito na kami sa kwarto at sila Kath ay naglatag na ng higaan nila sa lapag. At ako naman ay chineck ko kung mainit ba si Ate Peachy.
"Hala! Ang init nya." sabi ko kila Kath.
"Hoy! Weh?" tanong nila.
"Oo nga!" sagot ko naman.
Kaya lumapit sila kay Ate Peachy at nilagay nila yung mga kamay nila sa noo ni Ate Peachy.
"Hay, Gagi, oo nga ang init nya sobra." sabi ni Kath.
"Oh diba? mainit sya kaya tawagin na natin si Tita para sabihin." sagot ko naman.
Hindi ko na hinintay pa yung sagot ni Kath dahil nagmadali na akong pumunta sa kwarto nila Tita para sabihin na sobrang init ni Ate Peachy.
Nandito na ako sa harap ng kwarto nila Tita kaya dali dali akong kumatok.
"Tita!" sabi ko habang kumakatok.
Binuksan naman kagaad ni Tita.
"Bakit, Aizelle?" tanong nya.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romance(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...