GABRIEL'S POV
Kinabukasan nagising ako sa sikat ng araw kaya tumayo na ako, pagkatapos niligpit ko na yung mga unan. Nang matapos ako sa pagliligpit kumuha ako ng damit sa bag na dala ko at pagkatapos naligo na rin ako.
Nang matapos ako maligo nagsuot lang ako ng short at black t-shirt. Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako.
Habang bumababa ako nakita ko si Peachy na kumakain sa kusina kaya pumunta ako dun.
Busy sya sa pagkain nya kaya hindi nya ako napansin.
"Good morning, Peachy." Bulong ko.
"Ay!! Kabayo bakit kaba nanggugulat ah?" inis na tanong nya.
"Sorry, ikaw kasi eh busy ka sa kinakain mo!" natatawa kong sabi.
"Gusto mo?" aya nya sa kinakain nya. tumango naman ako.
Umupo ako sa tabi niya at kumuha ako sa kinakain niya.
"Gab! Gusto mong magswimming?" nakangiting tanong nya.
"Oo naman!" simpleng sagot ko habang kumakain.
"Sige, pagkatapos natin kumain punta tayo ni Anne sa happy beach. maganda daw dun sabi ng Tita ni Anne!" sabi nya.
"Sige," nakangiting sagot ko.
Hindi na siya nagsalita kaya tahimik kami habang kumakain. Nang matapos kaming kumain nagpaalam muna ako sa kanya na kukuha lang ako ng damit na dadalhin ko.
"Ah, Peachy akyat muna ako sa kwarto para kumuha ng damit na dadalhin ko." sabi ko.
"Ah, sige, ako din kukuha rin." sagot nya.
Pagkatapos namin mag-usap ni Peachy umakyat na ako sa taas. Kumuha lang ako ng damit at beach short, pagkatapos nilagay ko muna ito sa paper bag bago ako bumaba.
Pagkababa ko dumiretso na agad ako sa sala dahil nandun na sila Peachy at Anne.
"Ay sa wakas bumaba ka na rin!" sabi ni Peachy.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Aalis na tayo," sabi nya. "Kasama pala natin sila Josh, Daniel, Angel."
"Sige!"
Lumabas na kaming anim at sumakay na kami sa sasakyan ko then pinaandar ko na papunta sa sinasabi nilang happy beach dito sa cebu.
After 1 hours nakarating na kami sa happy beach at tama nga silang dalawa napakaganda ng lugar at konti lang yung mga tao ngayon.
Kaya pumasok na kaming anim then nagbayad na si Josh ng entrance fee namin.
"Ilan po kayo sir?" tanong ng babaeng cashier.
"Anim kami miss!" simpleng sagot ni Josh.
"Okay po!" yung cashier.
Pagkatapos namin magbayad pumasok na kaming anim.
Pumunta na kami sa cottage namin, pagpunta namin nagbihis na sila Anne kaya nagbihis na rin ako.
Nagpalit lang ako ng short at hindi na ako nagdamit pa dahil kapag nag suswimming ako hindi na ako nag dadamit.
Pagkatapos ko magpalit ng short lumabas na ako ng cr at paglabas ko wala na rin sila Peachy.
Habang naglalakad ako papunta sa dagat nakita ko sila Peachy na nagpipicture kaya pumunta na ako sa kanila. Nakatingin lang ako sa kanya ng diretso hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahan nya.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romance(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...