Chapter 32

373 25 0
                                    

"Grabe! Ang galing mo, Ace!" todo cheer ko pa kay Ace habang pumapalakpak. Nararamdaman ko naman ang mga tingin sa akin ni Gabriel kaya naman umiiwas na lamang ako ng tingin sa kanya.

"Grabe, ang ganda talaga ng boses niya!" rinig ko pang sabi ni Eunice sa tabi ko.

"May gusto ka sa kanya, 'noh?" rinig kong bulong ni Angel kay Eunice.

"Wala, 'noh!" tanggi naman ni Eunice pero nakita kong namumula ang pisngi niya.

"Talaga ba? Eh, Bakit ka namumula?!" singit na tanong ko. Napahawak naman siya sa pisngi at mukha niya.

"H-Hindi, ah!" tanggi niya kaagad.

"Weh? Talaga ba?! Hindi kami naniniwala!" sabay naming sabi ni Angel.

"Oo nga kulit!" sagot niya kaagad at inismiran kami.

Natauhan naman kami sa pagkukwentuhan nang may biglang pumalakpak at bigla naman kaming napatingin sa harapan at hindi namin inakalang tapos na palang kumanta si Ace. Kaya naman umayos na kami sa pagkaka-upo at tumingin na lang sa harapan.

Pumunta na si Ace sa gilid at pumunta naman sa harapan si Josh para magsalita.

"Grabe naman, napakaganda talaga ng boses nang unang contestant! Ang pangalawang contestant naman ay si Gabriel kyle na nagmula pa sa puso ni Peachy." sabi pa ni Josh at natawa naman ang mga kaibigan ko maliban sa amin ni Gabriel at Ace.

Umalis na si Josh sa harapan at pumunta na rin naman si Gabriel sa unahan. Nagsimula na si Gabriel sa pag-strum ng gitara, bumilis kaagad ang tibok ng puso ko nang nagsimula na siyang kumanta.

"Mula ng aking masilayan... Tinataglay mong kagandahan... Di na maawat ang pusong sa'yo ay magmahal... Laman ka ng puso't isipan... Di na kita maiiwasan... Pag-ibig ko sana ay pagbigyan..." nag-strum siya ng gitara habang kumakanta. "Bakit ba ikaw ang naiisip ko at Di na mawala-wala pa? Kahit na alam ko na ang puso mo Ay may mahal na ngang iba... Ayaw ng paawat nang aking damdamin... Tunay na mahal ka na... Sanay hayaan mong ibigin kita. Maghihintay pa rin at aasa..."

"Bakit daw ba ikaw lagi niyang naiisip?" biglang bulong sa 'kin ni Eunice. Hindi ako sumagot.

"Maghihintay pa rin daw siya at aasa sayo..." bulong rin ni Angel sa left side ko. Nasa gitna kasi nila ako!

"Tsk..." sagot ko na lang sa kanya.

Tumingin na lang ako kay Gabriel at pinanood siya habang kumakanta.

"Masaya ka ba pag siya ang kasama? Di mo na ba ako naaalala? Mukha mo ay bakit di ko malimot limot pa... Laman ka ng puso't isipan... Di na kita maiiwasan... Pag-ibig ko sana ay pagbigyan..." Lumingon siya bigla sa gawi ko at napaiwas naman kaagad ako ng tingin sa kanya. "Bakit ba ikaw ang naiisip ko at Di na mawala-wala pa? Kahit na alam ko na ang puso mo Ay may mahal na ngang iba... Ayaw ng paawat nang aking damdamin... Tunay na mahal ka na. Sana'y hayaan mong ibigin kita... Maghihintay pa rin at aasa..."

"Masaya ka ba daw kapag kasama mo si Ace? At di mo na ba daw siya naaalala?!" tanong ni Eunice sa 'kin.

"Oo naman, masaya ako kapag kasama ko si Ace." iyon lang ang nasabi ko.

"Bakit ba daw ikaw ang naiisip niya? Kahit alam naman niyang may mahal ka nang iba," sabi naman ni Angel. Hindi ako nakasagot at nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Sa pag-ibig mo nama'y nagmamay-ari na... Nais ko lang malaman mo na minamahal kita..." Napalingon na ako kay Gabriel nang marinig ko ang linyang 'yon. Nakayuko siya habang nakapikit ang kanyang mga mata at abala sa pagtugtog ng gitara.

THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)Where stories live. Discover now