"Ikaw pala, Ate Anne! kamusta kana po?" biglang tanong ni Angel kay Anne pagkaupo sa tabi ni Lance.
"Okay lang. Maganda pa rin!" pagbibiro pa ni Anne.
"Sorry, Lance! Natagalan ako," bulong ko kay Lance. Nginitian lang niya ako at tumango.
"Oh sya, Kumain na tayo." biglang sabi ni Mommy.
Kumain na kaming lahat. Kumuha lang ako ng kanin saka ulam at nagsimula na kumain. Habang kumakain kaming lahat biglang dumating si Daddy. Tumayo naman agad si Anne saka nagmano kay Daddy. Ganoon din si Lance.
"Good evening po, Tito." bati ni Anne kay Daddy saka nagmano.
"Good evening din po, Tito." bati naman ni Lance at nagmano din.
"Oh, ikaw pala, hija? buti pumasyal ka dito sa bahay?!" tanong ni Daddy kay Anne.
"Namiss ko po kayo ni Tita at si Peachy, Hindi po kasi ako makapunta dito dahil ang dami ko po kasing assignment." Paliwanag ng kaibigan ko.
"Ah ganoon ba? Oh sya kumain kana ulit." sabi ni Daddy at umupo sa tabi ni Mommy.
"Daddy, Mommy dito po matutulog si Anne!" sabi ko habang kumakain kaming lahat.
"Oh sige!" sagot ni Daddy at napangiti naman agad ako.
Nang matapos kaming kumain nagpresenta si Anne na siya na daw ang maghuhugas ng plato at pumayag naman agad ako. Habang ako naman ay magpupunas ng lamesa.
"Peachy uwi na ako! Baka hinahanap na ako ni Mommy." paalam bigla ni Lance at napahinto naman ako sa ginagawa ko.
"Wait lang! Lance, paalam lang ako kay Anne, hintayin mo 'ko jan ah? hahatid kita sa labas." sagot ko at tumango lang siya.
Agad naman akong lumapit kay Anne at nagpaalam.
"Bes hatid ko lang sa labas si Lance ah? Uuwi na kasi sya," sabi ko at napatingin naman siya sa'kin.
"Sige!" maikling sagot niya.
Lumapit na ako kay Lance saka inaya na agad siya.
"Lance! Tara hatid na kita sa labas." sabi ko sa kanya.
"Sige!" sagot nya at lumabas na rin kami.
"Sige, Peachy, Una na ako. Thank you sa dinner." sabi naman nya.
"Good night at ingat ka sa pagmamaneho," bilin ko.
Pagkaalis ni Lance pumasok na ako sa loob at nilock na yung pinto. Pagkatapos pinuntahan kona si Anne para tawagin siya.
"Bes! Tara akyat na tayo sa kwarto." aya ko sa kanya at tumango lang siya. Tapos na rin naman siya sa ginagawa niya.
Umakyat na kami sa kwarto ko at pagkapasok namin dumiretso naman kaagad si Anne sa kama.
"Bes maghihilamos lang ako! Higa ka muna jan." sabi ko.
"Ah sige, Pagkatapos mo maghilamos. ako next!" sagot nya.
"Sige!"
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Любовные романы(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...